Lae Mga halik ni Patty ang bumungad sa akin paggising ko sa umaga. Kahit nakapikit ako at antok pa, ramdam ko ang mga hawak niya sa akin at dinig ko ang matinis niyang hagikhik. "Oh, no! Laelae may sugat ka!" Her voice sounded horrified. Nakita niya siguro ang gasa sa ulo ko. Naramdaman ko ang marahan niyang paghawak roon. Akma kong imumulat ang mga mata nang maramdaman kong hindi lang siya nasa silid ko. "Come here, sweetheart. Mommy's still sleeping." Para akong nanigas sa kinahihigaan ko. Kilalang-kilala ko kung kanino nanggagaling ang boses na iyon. Gising na siya? Nandito pa siya? Ano'ng oras na ba? Halos ipitin ko ang paghinga ko sa kagustuhan kong magpanggap na natutulog pa. Pero mapilit si Patricia. Kung saan-saan na tumutusok ang mga daliri niya para hanapin ang kiliti ko.

