Lae "Oh my god! I miss you, Lae!" Bungad sa amin ni Aby nang makapasok kami sa restaurant. Tumayo siya at aambang yayakap sa akin. I met her halfway. Mahigpit ko siyang niyakap dahil na-miss ko rin siya. Kahit madalas kaming magka-usap sa cellphone, iba pa rin kapag nakakasama ng personal. "Ang OA niyo! Parang ang tagal niyong hindi nag-usap." Nakalabing sabi ni Paul nang sa wakas ay kumalas kami ni Aby sa isa't-isa. I giggled when her eyes rolled at him. Marami mang nagbago sa amin sa nagdaang panahon, nanatiling matatag ang samahan namin. Sayang at kulang na kami ng isa. "Pake mo ba? Sa na-miss ko nga siya eh! Hmmp!" Supladang hirit niya. "Parang hindi ka naman sanay, Aby." Sabi ko at saka natawa. Nalukot ang mukha niya habang nakatingin sa kasama. "Kainis kasi!" She shift

