Christian "Good morning everyone! My name is Lae Margarette P. Asuncion!" Nakangiting sabi niya habang nagpapakilala siya sa harap ng buong klase. Ah, siya 'yong babaeng nag-volunteer kanina na mag-beat sa stage para sa flag ceremony sa unang araw ng klase. Hindi natanggal ang tingin ko sa kanya. Kinakanta ko ang Lupang Hinirang, nanunumpa sa watawat ng Pilipinas at kinakanta ang hymn ng eskwela pero sa magandang mukha niya lang ako nakatingin. It hit me in an instant. Crush ko na siya agad. She is bubbly, sociable, and easy to get along with. She has a lot of friends. Kahit sa mga higher years, gustung-gusto siya dahil sa pagiging friendly niya. It's easy for her to captivate someone's attention. With her undeniable charm and enthusiastic aura, hindi pwedeng hindi mo siya mapapansi

