Lae “Si John Dale Crisanto ‘yon, ah? Bakit mo siya kasama?” Sunud-sunod na tanong ni Christian sa akin. Paakyat ako ngayon sa kwarto ko. Hindi ko siya pinapakinggan. Ilang beses niya akong tinawag pero hindi ko siya nilingon. Bakit ba siya nandito? Wala naman kaming usapan na magkikita kami! Ang sabi ko’y busy ako ngayong araw kaya paano niya natunugan na uuwi na ako? “Lae!” Mariin niya akong hinawakan sa braso para makuha niya ang atensyon ko. “Kinakausap kita!” Nasa bungad na kami ng hagdanan sa second floor. May ibang nangangasera na naroon kaya rinig ang mariin at malalim na boses ni Chris. Hindi ako nagsasita dahil ayokong bigyan sila ng ideya kung bakit kami nag-aaway ngayon. Kaya nang pigilan niya ako, wala akong ibang ginawa kundi ang bawiin ang braso ko at tinitigan lang si

