Lae "M-Mommy?" Nalilitong tanong sa akin ni Patricia. Hindi ko na mapigilan ang emosyon ko. I was crying already since I started talking about this with her. Agad kong pinapalis ang mga luha kong tuluy-tuloy lang sa pagtulo dahil naaaninag ko sa mukha niya ang namumuong pag-aalala. Tumango ako. "Y-Yes, Patricia. I'm your Mommy." Ngumuso siya. Hindi agad nakasagot. Kanina lang kami nagsimulang mag-usap pero hindi ko alam kung paano ko naitawid iyon. Sa labis na kaba at konsensyang nararamdaman ko, hindi ko matandaan ang mga saitang nabitawan ko sa kanya. "Look at me, anak." I cupped her chin and guided it so I can look at her in her eyes. She looked confuse and unable to speak. She doesn't seem to understand what I am really trying to say. Nauubusan ako ng salita kung paano ko ipa

