Chapter 14: The Strained Heart

2324 Words

"NAKILALA mo na daw ang daddy mo?" Mula sa libro ay binalingan ni Cee ang bagong dating na si Tito Johan. Kaibigan ito ng mommy niya. Simula noong nagkaisip siya ay palagian na itong bumibisita sa kanila. Palagi pa siya nitong binibigyan ng pasalubong. Nang maalala ang tungkol sa pakikipagkita niya sa ama ay napasimangot si Cee. "Hindi ko siya daddy. Wala akong daddy," matigas na aniya. Umupo ito sa tabi niya at nakangiting ginulo ang kanyang buhok. Imbes na mainis ay nginitian lamang ni Cee si Tito Johan. Sanay na siya dito. Palagi kasi nitong ginagawa iyon sa kanya. "Daddy mo pa rin siya, Cee," malumanay na anito sa kanya. Humalukipkip si Cee habang unti-unting nawala ang ngiti sa labi. "Pinaiyak niya si mommy. Ayoko sa mga taong pinapaiyak si mommy," aniya. Napabuga ito ng hangin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD