Samantala—pagkarating ng kanilang bahay' dali-daling bumaba si Attorney Kurt ng sasakyan.
"Amber, please do help me." Saad pa niya kay Amber na noon ay todo kung makaalalay sa ulo ni Antheia habang tulog na tulog pa ito.
Mula sa sala ng kanilang bahay' eksaktong lumabas naman si Achilles ng mapansin nito ang pagdating ng sasakyan ng Ama.
"Dad?" Kunot-noong naisatinig niya ng makita niya ang Ama at ang babaeng nakasuot ng itim na trahe de boda na inaalalayan nilang maibaba.
"Antheia ading?" Saad niya saka siya lumapit sa kanila.
"A-a-nong nangyari sa kanya Dad? She's not supposed to be here, next week pa ang uwi niya ah?!" Naguguluhang saad niya.
"Dad, let me. Ako na ang magbubuhat sa kanya. And you Amber, mag-uusap pa tayo, walang aalis!" Ganoon na lamang napapangiwi si Amber dahil siguradong sabon ang aabutin niya sa mga Cervantes.
"Ah' eh, yes my demi-god Achilles," mahinang sambit ni Amber. Napakagat labi na lamang siya ng pasimple niyang inamoy-amoy si Achilles ng buhatin na nito ang kanyang kaibigan.
"Ang bango mo talaga, hay' sayang talaga, hindi man lang kita natikman kahit isang halik lang sana demi- god Achilles ko," malanding sigaw ng isipan niya.
Mula sa sasakyan ay bumaba narin si Amber at sumunod sa kanila papasok ng kanilang kabahayan.
"Nandiyan na pala kayo' oh, my baby?" Ganoon na lamang napatda at nagulat si Gabriella ng makita nito ang babaeng buhat-buhat ni Achilles papasok ng kanilang sala.
"Te-teka! Ka-kailan pa dumating ang anak mo your honor? Amber anong nangyari sa kaibigan mo? Ba-bakit ganyan—she's wearing all black?! God, Antheia baby." Natataranta na din ito na sumunod kay Achilles paakyat ng hagdanan. Isang buntong-hininga na lamang ang naitugon ni Kurt sa asawa.
"Tita I'm sorry! Pinigilan ko naman si Antheia eh' sorry po talaga,Tito, Tita." Hinging paumanhin ni Amber habang sila ay paakyat ng hagdanan.
"God! This is what I am talking to you your honor. It was all Lorraine and Blake's fault!"
"Yeah' kaya nga hindi natin sinabi sa kanya na ikakasal na ang dalawang iyon hindi ba? But look' hindi pala natin maitatago sa kanya ang panlolokong ginawa ng dalawang iyon." Napapailing na lamang na saad ni Kurt.
Pagkaakyat nila sa itaas—nagmamadali namang kumilos ang isa sa mga kasambahay nila upang pagbuksan sila ng pintuan ng silid nito.
Nang tuluyan na silang nakapasok sa loob ng kwarto ni Antheia—maingat na ibinaba ni Achilles ang kapatid sa kanyang malambot na kama.
"I swear' pagsisisihan ng Blake na iyon ang ginawa niya!" Saad niya ng tuluyan na niyang maibaba si Antheia sa kama.
"Manang, ihanda mo ang mga gagamitin ko' lilinisan ko ang anak ko." Utos pa ni Gabriella sa kasambahay.
"I'll help you Tita," pagbubulontaryo naman ni Amber.
"No! Mag-usap tayo Amber, " hinawakan ni Achilles ito sa kamay upang ito'y kanyang hilahin papunta sa isang tabi.
"Ahm' kuya demi-god huwag po!" Saad niya.
"Anong huwag?"
"Hu-wag po, kasi hindi pa po ako handa." Hinila niya si Amber palayo sa higaan ni Antheia.
"Anong hindi handa?"
"Wala pa akong experience Kuya," nakayukong wika ni Amber.
"Ishhh.. My God Amber' what you're talking is nonsense! Tigilan mo nga ako? Anong kalokohan ang ginawa ninyo? Amber—bakit hinayaan mong maglasing ang kaibigan mo?"
"Ah, heheh..Kuya' kasi ano eh' ahm—
"Amber, may ginawa ba kayo? Tell me!"
"Su-sumugod si Antheia sa simbahan Kuya,"
"And?"
"Ahm, nagkagulo po sa simbahan dahil sa nagawa niya? "
"God! Alam mo naman pala ang plano ng kapatid ko, pero bakit hinayaan mo siya? Ba-bakit hindi mo kami tinawagan?" Mahina ngunit madiin nitong sabi habang nasa kapatid na nakahiga sa kama ang kanyang paningin.
"Gusto niyang masorpresa sina Blake at Lorraine kuya demi-god," nakayukong saad ni Amber.
"Huh! Did she stop the wedding?" Umiling-iling naman siya. At dito naalala niya ang malaking pagkakamaling nagawa ni Antheia.
Hindi tuloy niya malaman kung paano ipapaliwanag sa mga Cervantes na ikinasal na si Antheia sa isang estrangherong lalake, sa isang ermitanyong iyon.
"Hin-di Kuya' ahm—nailabas ko din siya kaagad. Ta-tama, opo kuya Achilles, ganoon nga!" Pagsisinungaling ni Amber,
"Diyos ko po, patawad! Alam kong alagad ng Diyos itong kaharap ko, patawarin niyo po ako sa pagsisinungaling ko." Napapapikit na saad ng kaniyang isipan habang kaharap niya si Achilles.
"Are you sure Amber' hindi ba nasaktan ang kapatid ko?"
"Nasaktan po' durog na durog ang puso ni Antheia."
"Yes I know! But that's not what I mean, Amber ang labo mong kausap' siyempre alam kong nasaktan ang kapatid ko—
"Eh, kuya, hindi naman po. As if naman na papayag ako na saktan siya ng kung sino man. Lasing lang po si Antheia, she's broken' kahit sino naman Kuya, masasaktan kapag nalaman mong ipinagpalit ka ng taong mahal mo sa iba," saad pa niya at saka yumuko.
"Katulad na lang noong nalaman kong nagkabalikan na kayo ni Miss Daneen," halos pabulong na pahabol pa niya.
"May sinasabi kaba Amber?" Napangiti siya ng pilit, mabuti na lamang at hindi narinig ni Achilles ang huli niyang mga nasabi.
"Ah, hihihih.. Wala po Kuya,"
* * * *
"Uuwi kana ba ng bahay niyo Amber? Papahatid na kita," tanong ni Gabriella ng tuluyan na niyang nalinisan at nabihisan si Antheia.
"Tita, pwedeng dumito po muna ako? Hihintayin ko lang na magising si Antheia, don't worry Tita dahil nakatawag na po ako sa amin," saad niya.
"Are you sure? Sige anak' mabuti nga iyong nandito ka para may makasama muna ang anak ko. Thank you Amber, isa kang tunay na kaibigan." Sambit niya ng may ngiti habang pinagmamasdan ang anak na natutulog.
Nang masigurong nasa maayos na si Antheia—inaya ni Gabriella si Amber na sila ay lumabas na muna upang mag- meryenda. Nagtuloy-tuloy sila pababa sa sala ng marinig nilang tila may komusyon na nangyayari sa labas.
"Stay away Dad!" Malakas na boses iyon ni Achilles. Nagmamadali namang naglakad si Gabriella upang tingnan kung anong kaguluhan ang nangyayari sa labas.
"Mama' stay where you are! Hu-wag po kayong lalapit dito!" Sumenyas pa si Achilles sa Ina gamit ang kanyang kaliwang kamay.
"A-a-nong nangyayari?! Your honor, ano 'yan?" Tanong pa nito sa kanila ng mapansin niya ang isang kahon na nababalutan ng duct tape. Lumapit naman si Kurt sa asawa.
"Babe' pumasok na muna kayo sa loob, magmadali kayo!" kinakabahan na siya, hindi ito ang unang pagkakataon na nakatanggap sila ng ganitong bagay.
"Your honor' ba-bakit ganito? Ano ba, hindi ba tayo pwedeng mabuhay na gaya ng dati—tahimik at walang kinakatakutan? Your honor' natatakot na ako." Saad pa ni Gabriella sa asawa.
Ilang sandali pa dumating na ang mga Police Bomb Squads na tinawagan ni Achilles.
"Men' secure the area!" Utos ng isa sa pinaka- pinuno nila at sila ay nagsikalat sa buong paligid ng bahay. Lumapit ang isa sa mga taga bomb squad kung nasaan ang kahon habang hila-hila niya ang isang K-9 dog.
"God! Ayaw ko na ng ganito! Gabayan mo ang pamilya namin Diyos ko." Tanging naisatinig na lamang ni Gabriella habang sila ay nagmamadaling kumilos upang pumasok na ni Amber sa loob ng bahay.
Pagkatapos mapansin ng mga taga bomb squad na wala namang kakaibang ikinikilos ang K-9 dog, maingat nilang hinawakan ang kahina-hinalang kahon na iyon.
"Sobrang gaan nito' parang walang laman Attorney," saad pa ng Pulis. Upang mas makasigurado sila' binuksan nila ang kahon sa kanilang harapan' at ganoon na lamang sila nakahinga ng malalim ng makitang walang laman na iba ang kahon maliban sa isang piraso ng papel.
"Kailan pa kayo nakakatanggap ng pagbabanta Attorney?" Tanong ng Pulis sa kanila.
"Dad," kinuha kaagad ni Achilles ang papel na iyon na may nakasulat na____
"Nalalapit na ang katapusan mo Attorney! Uunahin natin ang mga mahal mo sa buhay' hanggang sa ikaw na lamang ang natitirang mag-isa sa mundo!" Napatiim ang bagang ni Achilles, pagkabasa nito sa nakasulat sa papel.
"God! Daddy what is this? Kailan pa ito?!" Pati si Achilles na walang kaalam-alam sa natatanggap banta ng kanyang pamilya.
"I'm sorry son, this is the second time someone has sent a box like that to our house." tugon pa ni Kurt sa anak.
"And you didn't even tell us?"
"I, I'm sorry! Hindi ko naman alam na mauulit 'yong nangyari dati. Don't worry anak' hindi ko kailangang matakot dahil wala akong ginagawang mali. Wala akong inaagrabyado na ibang tao. Kung dahil sa trabaho ko 'yan, hindi na ako magtataka dahil sa dami narin ng malalaking kasong nahawakan ko." Napapahilamos na lamang ng kanyang mukha si Achilles gamit ang dalawang palad.
"Kung ganoon' may lead po ba kayo kung sino ang pwedeng magpadala sa inyo nito Attorney?" Tanong muli ng Pulis.
"Nah! I don't know. The people I prosecuted are high-profile criminals. There are drug lords. Government officials involved in corruption. Children of well-known businessmen who were caught in illicit drug sessions. So I don't really know the number of cases I have on my hands right now." Napapailing na saad niya—kaya naman hirap din siyang tukuyin kung sino ang nagbabanta sa buhay nila.
"Did you talk to Mama Khiara about this Daddy? Pwede niya tayong tulungan. "
"I don't think it's necessary anak' remember, magre- retire na ang Mama mo."
"No! Isasangguni ko ito kay Mama, and___
Naputol sa pagsasalita si Achilles ng may bigla siyang naalala.
"And what?"
"Si Colonel Fajardo, yeah' pwede tayong humingi ng tulong sa kanya." Saad muli ni Achilles na ang tinutukoy nito ay ang boyfriend ng Ate Akira niya na isang opisyal ng AFP.
"It's up to you anak' basta para sa akin, wala akong dapat ikatakot dahil tulad ng sinabi ko—isa akong tuwid at patas na tagausig." pagdidiin pa ni Kurt sa anak.
"Kahit pa Daddy, hindi na biro itong natatanggap ninyong pagbabanta. Kakausapin ko si Mama Khiara at pati na din Colonel Fajardo, hindi ako papayag na may mangyaring masama sa pamilyang ito. Walang mawawala, kahit na isa Daddy! Hindi nila magagalaw ang kahit na isang miyembro ng pamilya Cervantes." Madiin na wika ni Achilles sa Ama.
"Tama po ang anak ninyo Attorney, sa dami po ng hawak ninyong kaso—talagang mahihirapan tayong tukuyin kung sino ang nasa likod nito." Wika naman ng Pulis sa kanya.
Napakunot ang noo niya, nag-iisip siya ng malalim base sa mga hawak niyang mga kaso ngayon. At isa sa latest na kasong hawak niya ngayon ay ang kaso ng isang anak ng PNP General na nahuli nila sa isang illicit drug session.
Nakakulong na ngayon ang anak ng PNP General na iyon kasama ng mga iba pang mga anak mayaman na nahuli sa illicit drug session na iyon.
Pagkatapos maibigay ni Kurt sa mga Pulis ang mga impormasyong kinakailangan nila nagpaalam na din ang mga ito para umalis.
Nagpaalam na din si Achilles upang puntahan ang kanyang mag-iina at upang makausap ang kanyang Mama Khiara at ang plano niyang kausapin din si Colonel Fajardo para humingi ng tulong.
"Nangangamba ako para seguridad ng pamilya natin your honor. God! Akala ko matatahimik na tayo, ngunit heto na naman. Ayaw ko ng maulit ang nangyari mula sa nakaraan, ayaw ko na your honor." saad ni Gabriella sa asawa. Hindi niya maiwasang hindi matakot—lalo na kapag naaalala niya na kamuntikan nang mawala sa kanila noon si Achilles dahil sa kagagawan ng isang Denver Ricafort.
"Shhhh.. Wala kang dapat ikatakot babe, wala tayong kasalanan sa kahit na sino. Hindi nila tayo magagalaw." Pang-aalo pa ni Kurt sa asawa na noon ay panay ang panginginig ng kanyang mga kamay.
"Kay Antheia at Achilles ako natatakot, paano ang mga anak natin? Paano Ang mga apo natin, baka sila ang pagdiskitahan' God, hindi ko kakayanin na may mangyaring masama ulit sa mga anak natin lalo na kay Achilles, your honor' please magbitiw kana bilang prosecutor." Talagang noon pa man hindi na palagay ang loob ni Gabriella sa trabahong mayroon ang asawa. Palagi na siyang nangangamba para sa kaligtasan ng kanyang asawa lalo na kapag pumapasok ito sa kanyang trabaho o di kaya naman ay may kakatagpuing mga kliyente.
"Yeah, naiisip ko din 'yan, pero hindi ako magbibitiw dahil lamang tinatakot nila tayo. Siguro panahon na din para kuhanan ko si Antheia ng magiging bodyguard niya, what do you think babe?" Tumango-tango kaagad si Gabriella bilang pagsang-ayon sa kagustuhan ng asawa.
"Gusto ko 'yan. Good decision your honor— sa lalong madaling panahon, kuhanan mo na ng bodyguard si Antheia. Masyadong delikado na para sa kanya ang lumakad ngayon na mag-isa, lalo na ang pagpasok niya sa Paraiso araw-araw. Mas gusto kong doon na lang siya mamalagi mas safe sa Isla kaysa dito sa bayan."
"At ikaw din, kung pwede doon kana muna sa bahay natin doon. Isama mo sina Daneen at ang mga bata babe, mas ligtas kayo doon."
"No! Ayaw ko. Paano ka? Sa tabi mo lang ako," napabuntong-hininga at hindi na lamang sumagot si Kurt, kahit anong paliwanag pa ang gawin niya siguradong kagustuhan parin ni Gabriella ang masusunod.
* * * *
Gabi na. Eksaktong alas diyes na ng gabi ng magising mula sa mahabang pagkakatulog si Antheia.
Sapo ang kanyang ulo, ng maramdaman niyang may pumipitik-pitik sa kanyang sintido at medyo nakakaramdam din siya ng pagkahilo.
"Aggg! Ang sa-sakit ng ulo ko!" daing niya habang unti-unti niyang iminumulat ang kanyang mga mata.
"Mabuti naman at gising na ang bride," naningkit ang kanyang mga mata ng mabungaran niya ang pilyang mukha ng kaibigan niya.
"A-Amber, nasaan ako?" Pilit niyang iginala ang kanyang paningin sa buong kwarto.
"Na-nasa bahay ako?" kapagkuwan ay tanong niya.
"Opo' mahal na prinsesa, nandito nga po kayo sa bahay ninyo—este, mahal na reyna na pala." pilyang wika ng kaibigan.
"Amber please, not now! Ang sakit ng ulo ko, paano ako nakauwi dito?" Napapapikit na saad niya. Nang maalala niyang nasa harapan siya ng simbahan, lasing na lasing at umiiyak.
"Siyempre inuwi ka namin, wala ka bang maalala sa mga nagawa mo Antheia?"
"About what?" Tanong niya.
"Sa nagawa mo sa simbahan,"
"Yeah' whoahh!" Saka siya humugot ng malalim na hininga.
"They're both cheaters! Pinaglaruan nila ako Amber, ang sakit!" Muling tumulo ang kanyang mga luha ng maalala niya kung paano siya pinagtaksilan ng dalawang taong mahalaga sa buhay niya.
"Antheia, alam kong masakit para sa'yo ito' pero ito ang tatandaan mo, wala silang kwenta para iyakan mo! Hindi sila kawalan sa buhay mo bestie, lalo na ang Blake na iyon!" Umupo si Amber sa gilid ng kama at tumabi kay Antheia.
"Ang sakitttt! Amber, bakit si Lorraine pa? Tell me Amber, may problema ba sa akin?" Umiling-iling si Amber.
"Walang problema sa'yo, walang mali sa'yo. Enough Antheia, huwag mo silang iyakan. Tulad nga ng nasabi ko, hindi sila karapat-dapat na iyakan mo! Patas na kayo ngayon ni Blake, nakapaghiganti kana sa ginawa niyang panloloko sayo." Dito natigilan siya at mataman niyang tinitigan si Amber, awang ang kanyang bibig sabay punas sa kanyang luhaang pisngi.
"Revenge?" Nagtatakang tanong niya.
"Yes Antheia, ipinakita mo lang naman sa Blake na iyon na hindi lang siya ang may karapatan na maghanap ng iba. Dahil kung kaya niyang maghanap ng iba—kinaya mo din at harap-harapan pa!" Lalong naningkit ang kanyang mga mata, lalo siyang naguguluhan sa sinasabi ni Amber.
"Hi-hin-di kita maintindihan Amber' anong kinaya ko? Li-liwanagin mo nga!" naguguluhang saad niya.
"Wala kaba talagang naaalala Antheia?"
"Wa-wala nga! Amber ano ba?" Napapikit siya ng mariin upang alalahanin ang lahat ng nangyari sa simbahan, at ang huling alaala niya ay nasa harapan sila ng simbahan.
"Okay' let me rephrase everything to you." Dito inumpisahan ni Amber na ipaliwanag sa kanya ang lahat. Kung paano siya pumasok sa simbahan ng nakadamit ng itim na pangkasal, kung paano nagkagulo ang mga tao sa ginawa niyang pag- entrada at kung paano siya humila ng isang lalake upang dalhin sa harapan ng altar upang kanyang pakasalan.
"Wa-what?! I am now married?!" Napatayo siya dahil sa sobrang gulat niya.
"No-no-no! I can't do that!"
"Yes, and you did it Antheia."
"Huh! Paanong magpapakasal ako sa taong hindi ko kilala? I haven't lost my mind yet Amber!"
"And yes you are!"
"Amber, bawiin mo ang sinabi mo!"
"Duh! Bakit ko babawiin? Pinipigilan kita bestie, pero ang tigas ng ulo mo! Ayaw mong makinig sa akin, masyado kang mapusok! And you—you did kissed that Hermit infront of everyone after signing the contract."
"I did kissed that man? No! And why would I do that? Kay Blake nga hindi ko 'yan ginawa, sa iba pa kaya? At pakiulit nga ng sinabi mo' anong ermitanyo?" napapakunot- noo siya.
"Hahahah.. Hindi ka naman bingi ano bestie, tama ang narinig mo, isang ermitanyo lang naman ang napangasawa mo!"
"God! A jungle man?" Tanging nasambit niya saka pabagsak na nahiga sa kanyang kama.
"Argggg!! Sino ang lalakeng iyon? Bakit naman siya pumayag na magpakasal sa akin? Hindi ba niya alam na wala ako sa katinuan? He took advantage of my drunkenness!"
"Duh! Antheia, sa ganda mong iyan, wala talagang tatanggi sayo! Teka, nasa akin ang picture ng taong iyon eh, mabuti na lamang at nakuhanan ko." kinuha niya ang kanyang cellphone at dito ipinakita niya ang picture ng estrangherong napangasawa niya.
An Hermit in her eyes. A bearded man' with a large build, with a long hair and a medium-length mustache wearing a tuxedo was what she saw on the screen.
"Gosh!" Napalunok siya ng sunod-sunod at napakagat siya ng kanyang hintuturo. Hinawakan niya ang screen ng cellphone upang kanyang i-zoom iyon ng mas malinaw niyang makita ang mukha ng balbas saradong lalake na iyon.
"Ano Antheia, naniniwala kana ba sa akin ngayon? That Hermit is now your husband."
"Then where is he?"
"I don't know, he just disappeared!"
"God! When did Zeus descend from Mount Olympus?" Saad niya habang pinagmamasdan ang mukha ng lalake na iyon.
"Antheia ah' huwag mong sabihin sa akin na, nagu-gwapuhan ka sa ermitanyong iyan? Naku, Antheia, hitsura pa lang ng lalakeng iyan' hindi ko na gusto!" Nakangusong saad ni Amber.
Saglit na nawala sa isipan niya ang ginawang panloloko sa kanya ng kanyang nobyo at matalik na kaibigan ng makita niya kung gaano nagtataglay ng maamong mga mata ang taong kanyang pinakasalan.
Antheia smiled. Even though she couldn't see that Hermit's face clearly—she knew there was a hidden god-like appearance behind his long hair and bearded face. His eyes seemed to possess a charm, that can captivate any woman.