"Happy to see me Mamita' Papsy?" Nakangiting wika ni Atticus sa kanyang Lolo at Lola. "Yes Apo, sobrang saya namin ng Papsy mo. Apo—ikaw naba talaga iyan Atticus? Babalik kana ulit sa amin?" Muli ay hinaplos-haplos ng kanyang Mamita ang gwapo nitong mukha. Hindi sila halos makapaniwala na masisilayan pa nilang muli ang mukha ni Atticus. Tumango-tango naman siya at ngumiti saka muling ginawaran ng mahigpit na yakap ang Lola at Lolo niya. Noon pa man—alam niya kung gaano nangungulila sa kanya ang mahal niyang Lolo at Lola. At ngayon na siya ay nagbalik na—susulitin niya ang bawat sandali sa mga panahong nawala sa kanila. "I'm sure' masayang-masaya ang Daddy at Mommy mo ngayon Atticus, salamat at nagbalik kana. Salamat at nagising kana sa katotohanan na ito ang tunay na mundo para sa'yo

