"Talagang sinusubukan ako ng mga ungas na ito! Pati ba naman ikaw Lyndon' nandito? Humanda talaga kayo sa akin, pakakainin ko kayo isa-isa ng bala makikita ninyo!" Nagngingitngit na wika niya habang siya'y naglalakad sa tabi ng dagat. "Agggg! Mga punyeta ang mga ito, lalo kana Thaddeus, kasalanan mo ito!" Hindi matanggal-tanggal ang inis niya. Napapahilamos siya sa kanyang mukha gamit ang dalawang palad niya. Panay pa ang kamot niya sa kanyang ulo—dahil sa inis na hindi niya alam kung saan niya ibabaling. Nagpatuloy siya sa paglalakad, pati buhangin at mga bato hindi nakaligtas sa inis niya' sipa dito, sipa doon ang kanyang ginagawa. Kinapa niya ang kanyang bulsa ng may isang bagay siyang naalala. Ang panty ni Antheia na isinuksok niya kanina sa kanyang bulsa. Dito ay unti-unti siya

