Nang umagang iyon nagising si Antheia ng may ngiti sa kanyang mga labi. Excited siyang bumangon at lumabas dahil sa isang tao na gustong-gusto na niyang masilayan. "Good morning sunshine." Napapangiting saad niya saka siya nag-inat-inat ng kanyang mga braso. Bumangon siya at umupo sa kama. Maganda na ang pakiramdam niya ngayon, wala na din siyang lagnat' at parang bumalik na ulit ang sigla ng katawan niya. Mula sa kama ay tumayo na siya. Kumuha ng kanyang towel at roba at siya ay nakangiting pumasok ng banyo. Masaya siyang naligo. Panay ang pagngiti niya habang nakatapat siya sa salamin sa loob ng kanyang banyo. "Saan kaba nagpunta kahapon at hindi ka man lang nagpakita sa akin Atticus?" Tanong niya habang pinagmamasdan ang kanyang sarili sa salamin. Kapagkuwan ay napangiti siy

