"Kailan mo lang sinabi na mahal mo si Matteo, aahh. Tapos ngayon ayaw muna agad sa kanya." "D-dati mahal ko si Matteo. Pero ngayon ay hindi na. M-may asawa na kasi siya at ikaw iyon," wika nitong nauutal. "Takot ka lang doon sa mga taong naghahanap sa babae ni Matteo, eh," pabulong kong sabi. Lalo at malapit na sila rito sa amin pwesto. "Huwag kang maingay malapit na sila," bilin kong muli sa babaeng aking katabi. "S-sige," sagot nito. "Huwag na kayong magtago riyan at nakikita na namin kayo!" Kumunot ang aking noo sa sinabi ng lalaking nagsalita. Nagtataka tuloy ako sa aking isipan. Parang mayroon din itong hawak na cctv camera, dahil nakikita nito kung nasaan kami ni Henna. "N-nakita na yata tayo," sabi ni Henna. "Kung nakita tayo, eh, 'di siya ang lumapit dito sa ating pwesto,"

