Alas-otso ng umaga. At papunta ako sa parlor salon. Ang usapan kasi namin ng babaeng iyon ay doon kami magkikita upang samahan sa bahay ng modelong si Dulce. Sana'y maging maayos ang trabaho ko roon. Napangiti ako ng makita ko si Daday. Nakangiti rin itong kumaway sa akin. Talagang hinintay ako nito. Tingin ko'y magkaedaran lamang kami nito. "Pasensya na kung natagalan ako. May ginawa pa kasi ako," wika kong pinatigas ang tinig upang maging boses lalaki. "Ayos lamang. Saka ang gwapo mo, aahh, hindi agad kita nakilala.Para ka na ngang lalaki at mas gwapo ka pa kaysa sa kanila, Angelo," wika nitong may paghanga sa akin. Ngumiti lamang ako rito. Talagang mapagkakamalan akong lalaki lalo na at nakadamit panlalaki rin ako. Nakasuot rin ako ng sombrero. Kaya hindi ako basta makikilala. Aga

