Tumayo ako mula sa aking pagkakaupo at tuluyan nang lumabas ng restaurant. Ang daming gumugulo sa aking at pakiramdam ko'y anumang oras ay sa sabog na ang ulo. "Ano ba ang nangyayari? Panaginip lang ba ang lahat ng ito?" tanong ko sa aking isip Patuloy lamang ako sa aking paglalakad na walang patutunguhan. Kailangan kong pag-isipan ang lahat ng sinabi sa akin ng babaeng iyon. Umupo muna ako sa bangketa na aking madadaanan. Ang sabi nito'y buhay pa raw ang aking Ama. Paano nangyari iyon? Samantalang kitang-kita ng dalawa kong mata na wala na talaga silang hininga. Hindi kaya pinagloloko lang ako ng babaeng iyon? Bigla akong panatapik sa aking noo ng maalala kong hindi naman binanggit ng babae ang pangalan ng aking Ama. Ang sabi lang nito'y buhay daw si Itay. Papatayo na sana ako mu

