Chapter 2

3891 Words
CLYDE Naiinis na binaba ko ang baso sa sinabi niya. Pakiramdam ko masyado niyang minamadali ang pagpaplano ng kasal namin ni Danica. Bakit? Kating-kati na ba siya na makuha ang ibabayad ko sa kanya? Sabagay, kahit noon pa naman talaga ay mukhang mukha na siyang pera. Ang buong akala ko talaga ng nagwowork pa siya sa coffee shop ko she's not after the money dahil kahit hindi kalakihan ang sweldo niya ay nagtiis siya na magtrabaho sa akin as a service crew and cashier. Pero kaya naman pala okay lang sa kanya ang minimum na pa sweldo ko ay may extra kita siya na di hamak na mas malaki sa kinikita niya sa shop. No wonder kung bakit nagkaroon siya kaagad ng boom na negosyo as a wedding services. Malaki siguro ang naipon niya kaya instant businesswoman na siya ngayon. Pero kung mapera na siya. Bakit nagtitiyaga siya sa maliit na apartment thou nasa isang exclusive subdivision naman iyon. Bumuntong hininga ako at hinaguran ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Sumandal ako sa board ng kinauupuan ko. I can see that she's tense. At hindi ko alam kung bakit. Napako ang mga mata ko sa mga daliri niya. She's not wearing a ring. Does it mean that she's not married yet? Napaisip ako. Sa ilang gabi na lihim kong pinupuntahan ang apartment niya ay wala nga akong nakikita na lalaki sa bahay niya. Inisip ko na baka late lang umuuwi ang asawa niya. Maybe he's a call center and night shift ang time schedule nito. Kung wala siyang asawa? So posibleng anak ng isa sa mga lalaki na naging customer niya ang baby niya? Palihim na nag tangis ang mga ngipin ko. kung gusto lang din niya ng pera. Sana bumalik na lang siya sa akin at ako nalang ang naging customer niya ulit. At least safe siya sa akin dahil malinis ako. Yes, I had s*x random women, but I always use f*****g condom just to make sure na hindi ako mahahawa ng sakit na pwedeng ma-transmit sa akin mula sa mga babaeng isang kalabit mo lang ay bibigay na kaagad. Tinignan ko ang manipis niya na labi. Ilang lalaki ba ang humalik doon? Matapos kong pagsawaan ng gabi na una ko siyang angkinin. Muling nagtangis ang mga ngipin ko nang bumaba ang mata ko sa nakabukas na dalawang butones na suot niya na blouse. f**k! And s**t this feeling. Bakit kahit alam kong marami ng lalaki ang nagpakasasa sa dibdib niya ay gusto ko pa rin iyon. Bakit kahit na alam kong may mga ibang lalaki na ang umangking sa katawan niya matapos na ariin ko siya ng isang gabi ay pinapantasya at pinapangarap ko pa rin siya? s**t, Clyde! Ano ba ang nangyayari sa 'yo? Babae lang 'yan bakit hindi mo magawang kalimutan. Na-swertehan mo lang na ang mga kaibigan mo ang unang magpa-book sa kanya noong gabi ng birthday mo kaya ikaw ang nakauna sa katawan niya. Pero ang totoo, kahit ikaw o ibang lalaki pa iyon ay ibebenta pa rin niya ang puri niya kapalit ng malaking halaga. Naputol ang pag-iisip ko at sabay kaming napalingon nang makarinig kami ng iyak ng isang bata. Mabilis na tumayo si Celestine at sinalubong ang kaibigan nito na buhat ang anak niya. For the first time in my life I heard a child crying. And after I heard it, I felt something strange in me. Hindi ko alam kung ano ang pakiramdam na ito. Ang matinis na iyak ng baby niya, maybe she's screaming for milk that made my heart beat faster. So it was the feeling na makarinig ng iyak ng isang baby. Kinuha ni Celestine ang baby niya mula sa braso ng kaibigan nito. "Nagugutom na ata si baby kaya ayaw tumigil sa kakaiyak," wika sa kanya ng kaibigan nito na si Chesca. Buhat ni Celestine ang bata at bumaling ng tingin sa akin. "Sorry, Sir Clyde, ah. Naiwan kasi namin ang feeding bottle ng baby ko. Pwede bang alam mo na... Later na lang natin ituloy ang pag-uusap natin I just need to feed her," nahihiya na wika niya sa akin. "Hindi ko lang talaga kayang iwanan ang baby ko for three days kaya sinama ko na lang siya dito sa resort," sabi niya ng hindi ako umimik sa nauna niyang sinabi kanina. Tumayo ako. "That's fine with me, Yaya Gina will show your room where you guys stay here for three days," sabi ko sa kanilang magkaibigan. "Thank you, and sorry talaga. Promise mabilis lang 'to. Pagkatapos kong magpa-breastfeed sa baby ko pupuntahan kita kaagad para simulan na natin i-plano ang lahat—" Gulat siyang napatigil sa pagsasalita sa sinabi ko. "No need. Just rest for the day. Marami namang araw pa para pag-usapan natin ang tungkol sa kasal. At hindi naman ako nagmamadali sa kasal namin kaya take your time, I mean. Mahirap 'yong nagmamadali sa oras. Take time to feed your baby," nalilito na sabi ko sa kanya. Muling umiyak ang baby niya ng malakas dahilan upang magmadali sila na pumasok sa loob para magpa-breastfeed sa bata. Sakto naman na siyang labas ni Yaya Gina kaya hinatid silang kaagad sa silid na tutulugan nilang dalawa. Kabilin-bilinan ko kay Yaya Gina na dapat ay separated ang room nilang dalawang magkaibigan. At sinigurado ko rin na ang kwarto na gagamitin ni Celestine ay malapit sa kwarto ko. At nang sa ganun ay may pagkakataon pa rin ako na lihim siyang pagmasdan sa telescope ko mamayang gabi at sa loob ng tatlong araw na pag-i-stay nila dito sa resort. Nakangiti ako na tumingin sa paligid. Kaya dito sa resort sa bataan ko pinili na maging venue ng wedding at reception para sa kasal namin ni Danica, dahil alam ko na mas matatagalan ayusin ni Celestine ang lugar na ito. At nang sa ganun ay masmatagal ko pa siyang makakasama at makakausap. Lahat ng mga nandito ay ipapabago ko. Siya ang papamahalain ko sa renovation ng resort para mas tumagal pa ang wedding preparation sa kasal namin ni Danica, at kung pwede nga lang na hindi na matuloy ang kasal namin ay mas maganda pa. Habang nakatingin ako sa kawalan ay narinig ko na tumunog ang phone ko. Kaagad akong bumalik sa lamesa at kinuha ko sa ibabaw niyon ang phone ko. Ang saya sa puso ko ay biglang naglaho nang makita ko ang tao na tumatawag sa akin. Arh! It was her again. Pang ilang tawag na ba niya ito simula kaninang umaga. If I'm not mistaken, it was her eight times called me on this hour. Then wala naman kaming pag-uusapan kung hindi iyon at iyon pa rin. Ang humingi ng follow up sa wedding preparation sa kasal namin. Argh. Walang gana na ini-on call ko ang tawag niya. "Hi, babe. So. how's the preparation? Okay na ba? Nag-usap na kayo ni Miss Celestine? Don't forget to tell her what I want ah. And the cake, I already told you the design and the flavor I like. And the flower para sa bouquet ko sinabi ko na rin sa 'yo, right?" Sunod-sunod na wika niya sa kabilang linya. sa tinig niya ay batid ko ang labis na excitement para sa kasal naming dalawa. "Babe, relax. She's just arrived here for about few minutes ago. You know ang traffic dito sa pinas, right?" Tanging sagot ko sa mga sinabi niya sa akin. "You know what babe... If you need my help I can book my flight to go back there anytime you want. Just let me know, okay." Nabahala ako sa sinabi niya. "Don't do that babe, I can handle this. Celestine well enough to help me para maging successful ang wedding preparation sa kasal natin. All I want you to do is stay there in a little bit longer hanggang sa matapos ang renovation dito sa resort," agap kong pigil sa idiya niya na babalik siya dito sa pinas. I send her abroad just to have undergo on a surgery. I told her na kailangan niya na mas pagandahin pa ang labi niya at ilong niya para mas lalo siyang maging maganda sa araw ng kasal namin. May tita kasi ako sa US na plastic surgeon kaya naman may dahilan siya upang matagal na mag-stay pa doon. "Renovation? Babe? Is it really necessary to renovate the resort? I mean... renovation can takes a lot of time, babe. Isn'st to long para sa kasal natin?" Nasa tinig niya ang disapproved sa sinabi ko. "Babe... You know that I want a best wedding for you, right? You know how I wanted this wedding to be perfect like how beautiful woman you are. I just wanted our wedding to be perfect. Kaya let me do what is best, okay. And three to five months of renovation and preparation does n't take long if in exchange it would be a wonderful wedding day for us right?" Pagsisinungaling na lang na paliwanag ko sa kanya upang hindi na niya maisipan pang lumipad pabalik dito sa pinas. Alam kong mali ang ginagawa ko, gago lang ang tao na gumagawa ng ginagawa ko. Kaya aminado ako na I'm a f*****g ashole! At kung paano ko ititigil ang kalokohan ko na ito ay hindi ko alam. Basta isang bagay lang ang laman ng isip ko, at gusto kong gawin, ang mapalapit ako kay Celestine... Pasado alas-otso ng gabi ay narinig ko na umiiyak ang baby niya sa kabilang kwarto. Tila may humahatak sa mga paa ko na tumayo sa pagkakahiga sa kama at puntahan ang bata na umiiyak. Lumakad ako palabas ng kwarto ko, nang makarating ako sa pinto sa kabila ay nakita kong naka-awang iyon. Nakakunot-noo ako. Iniwan ba niya ang baby niya sa loob ng kwarto mag-isa? Bakit wala siya dito sa loob ng kwarto nila. Nilakihan ko ang bukas ng pinto, at hindi ko nakita doon si Celestine. Habang tumatagal ay palakas ng palakas ang iyak ng baby, kaya naman nagpasya na akong lapitan ito. Malalaki ang hakbang na ginawa ko upang makarating kaagad sa kama. Nang ganap na akong nasa harap ng bata ay may kung ang humipo sa puso ko. Bumigat ang t***k ng puso ko, this is my first time to hold a little fingers of a baby. Gusto ko lang sana na hipuin ang pisngi ng bata pero mabilis ang kamay nito na hinuli ang isang daliri ko at hinawakan iyon ng mahigpit at gustong isubo sa bibig nito. Napangiti ako. Siguro ay gutom na ito kaya gustong sipsipin ang daliri ko. Tinitigan ko ng mabuti ang bata. Hindi ko alam pero magaan ang loob ko sa kanya. Iyong tipong gusto ko siyang buhatin at halikan sa pisngi dahil ang cute-cute niya. Ang kaso hindi ako sanay bumuhat ng bata kaya nilaro ko na lang siya. Para akong pumasa sa panel ng mga profesor ko noong college ako nang makuha ko ang isang ngiti ni baby. I don't know but I felt victory of having that little smile from the baby's lip. At dahil napangiti ko siya ay mas pinag-igi ko ang pagmamasahe sa maliit na paa ng bata. Hinawakan ko ang paa nito at marahang dinampian ng pinong halik ang talampakan niya. It was my first time to kissed a baby's foot. And it was my first time too na nagpatigil ng baby na umiiyak. This is strange but I like it. I love the feeling of being with this little angel. She's very lovely and beautiful like her mom. But her eyes look like mine... and her nose looks like mine too? ------- CELESTINE Mabilis kong nilagyan ng shampoo ang buhok ko at naglagay ng liquid soap sa katawan ko nang marinig ko ang iyak ng baby ko. Kung kailan naman kasi kasisimula ko lang itapat ang katawan ko sa dutsa ng shower ay siyang gising ng baby Celine ko. Napangiti ako nang marinig ko na may taong nagbukas ng pinto sa kwarto namin mag-ina. Sinadya ko talagang iwan ang punto ng nakabukas dahil sinabi ko kay Chesca na kung sakaling marinig niya na umiiyak ang anak ko ay puntahan niya dahil magsho-shower lang ako sandali. Siguro kaya tumigil sa pag-iyak ang baby ko dahil binuhat na siya ng ninang ganda niya kaya naman hindi ko na binilisan masyado ang paliligo. Matapos ang ilang minuto sa loob ng banyo ay ini-off ko na ang shower at binalot ang katawan ko ng towel saka lumabas na ako roon. "Thank you ninang ganda—" para akong nakakita ng multo at napatigil sa pagsasalita nang bumungad sa mga mata ko si Clyde sa loob ng kwarto namin mag-ina,habang nilalaro niya ang baby ko! Napalunok ako at bumilis ang t***k ng dibdib ko. Jusko po! Bakit nasa loob siya ng kwarto namin?! Hindi ko inaasahan na makikita ko siya rito kaya talaga namang gulat na gulat ako. Mabilis ako na tumalikod sa kanya bago pa siya magsalita sa akin. Nagmamadali akong nagsuot ng damit para puntahan ko kaagad ang anak ko. Gosh! Hindi dapat niya makita ang baby ko! Mabilis akong bumalik sa gawi ng kama nang maayos na akong nakapagsuot ng damit. Mamaya na lang ako magsusuklay, ang mahalaga ay mapuntahan ko ang anak ko. "P-pasensya k-kana sa ingay ng baby ko," kinakabahan na sabi ko sa kanya at kaagad na binuhat ko ang baby ko. Hawak pa niya ang paa ng anak ko, at pakiramdam ko ay wala siyang balak na bitawan iyon, kaya naman pasimple akong humakbang palayo sa kanya. Umikot ako sa kabilang dulo ng kama. Napalunok ako ng hindi siya sumagot sa akin. Tahimik lang siya na pinanood ako nang humakbang ako palayo sa kinatatayuan niya. "Sino ang Daddy n'ya?" Halos sumabog ang dibdib ko sa tanong na lumabas sa bibig niya. Naalarma ako at mabilis na nag-isip ng isasagot ko sa kanya. Kinakabahan ako na napalunok ng sunod-sunod. Isip Celestine, umisip ka ng kapanipaniwala na isasagot mo sa kanya. Hindi niya dapat malaman na siya ang ama ng anak mo dahil ikakasal na siya sa nobya niya. Hindi ka maninira ng isang masayang relasyon. At hindi ka rin nakakasiguro kung tatanggapin ba niya ang baby mo, dahil panigurado na hindi siya naniniwala sa 'yo sa oras na sabihin mo na siya ang ama ng anak mo. Tandaan mo, isang bayarang babae ang tingin niya sa'yo. Isa ka lang marumi sa mga mata niya. Huminga ako ng malalim saka nagsalita. "Ah... Um... Patay na kasi 'yung tatay ng anak ko," Sa pagkataranta ko ay kung ano nalang ang lumabas sa bibig ko. "But I have a boyfriend, his name is Adriel," hindi ko alam kung bakit nadugtong ko pang sabihin sa kanya ang bagay na iyon. Pero ayoko lang kasi na maging mahina or kawawa ako sa harapan ni Clyde. Narinig ko siyang malalim na bumuntong hininga, at hindi sumagot sa akin. Muling kumabog ang dibdib ko ng pinagkaitign niya ang baby ko , at pagkatapos ay pumisil sa daliri sa paa ng anak ko. "Too sad, at hindi na niya nakita ang father n'ya, " malungkot na sabi niya habang nakatitig sa anak ko. "Oo nga..." Tipid na sang ayon ko sa kasinungalingan sinabi ko. Ang akala ko ay tapos na siyang magsalita pero hindi pa rin pala . Nilaro-laro niya ang paa ng anak ko, napasinghap ako nang halikan niya ito sa talampakan. "She's beautiful like you..." mahinang sabi niya na siyang ikinangatog ng tuhod ko. "Mana sa Daddy niya ang mata at ilong niya," patuloy na sabi niya sa akin. "Ah... Oo, kamukha ng Daddy n'ya ang ilong at mata niya," kinakabahan na sang-ayon ko. "Um... pasensya ka na ha, pero kailangan ko na kasing magpa-breastfeed," pagdadahilan na sabi ko na lang kay Clyde para lumabas na ito sa loob ng kwarto namin mag-ina. Sa nakikita ko kasi ay tila wala pa sa isip niya ang lumabas sa kwarto namin. At isa pa, naiilang ako na kausapin siya lalo na at pagdating sa anak ko ang topic. "Oh, sorry. Okay, lalabas na ako," nahihiya na sagot niya sa akin at muli ay humalik sa paa ng baby ko saka tuluyan na siyang lumabas ng kwarto. Pagkalabas niya ay tuluyang nanglambot ang mga tuhod ko, hindi ko ini-expect na gagawin niya iyon sa anak ko. Wala sa sarili na napatitig ako sa anak ko na nakangiti pa rin. Marahil ay masaya rin ito na makita ang ama niya. "Sorry sa pagiging sinungaling ni Mommy, baby..." malungkot na wika ko sa anak ko at inamoy ko ang daliri niya. Nakagat ko ang ibabang labi ko nang maamoy ko ang naiwang amoy ni Clyde sa kamay ng anak ko. Mas magiging tahimik ang buhay namin lahat kung hindi niya malalaman na anak niya ang baby ko. *** Kinaumagahan ay nagising ako sa sinag ng araw. Napabalikwas ako ng gising sa pagkabigla. Gosh! Tinanghali ako ng gising? Nakakahiya naman kay Clyde, baka isipin niya napaka-unprofessional ko. Hindi na ako nagulat kung wala sa tabi ko ang baby ko, wala ang stroller nito sa loob ng kwarto kaya panigurado ay dinala ni Chesca sa labas ang baby ko para paarawan. Mabilis ako na pumasok ng banyo saka nag-ayos ng sarili. Second day na namin doon sa resort kaya dapat ay may ma-accomplish na ako na gawain sa checklist ko para sa wedding preparation nila. Dahil naligo naman ako kagabi, hindi na ako nagshower ngayong umaga. Pinili ko na isuot ang dress na above the knee ang haba, at kompartable din iyon sa akin para kung kailangan ko na need ko ipa-breastfeed ang baby ko ay madali ko lang iyon magagawa. Kinuha ko ang phone ko sa ibabaw ng kama, sinipat ko ang oras doon. 7;AM na pala, mataas na ang araw pero masarap sa balat ang hangin sa resort dahil nakasariwa. Habang naglalakad ako sa hagdan ay nakita ako ni Aling Gina, lumapit siya sa akin at sinabi na hinihintay ako ng kaibigan ko sa labas para mag-almusal. Tumangi ako sa kanya at ipinagpatuloy ang paglalakad. Habang baglalakad ako ay narinig ko na tumunog ang phone ko, kaagad kong sinagot ang tawag ng supplier namin ng bulaklak. Nanlalaki ang mga mata na napatigil ako sa pakikipag-usap sa kabilang linya nang makita ko na buhat-buhat ni Clyde ang baby ko? At hindi lang nito basta buhat ang baby ko, ngiting-ngiti pa ito habang nilalaro ang anak ko. "Ta-tawagan na lang kita mamaya, ah." Wala sa sarili na sabi ko sa kausap ko at kaagad kong pinutol ang linya. Kung gaano kabilis ng hakbang ang ginawa ko para makarating kaagad sa gawi nila ay siyang lakas ng kabog ng dibdib ko. Ano bang ginagawa ni Clyde? Bakit pati ang baby ko ay pinakikialam pa niya? Hindi siya dapat na maging malapit ng baby ko! Nang makarating ako sa kinarorooanan nila ay naabutan kong kumakain ng almusal si Chesca. "Gising ka na pala, Tin, halika kumain ka na muna ng almusal habang hawak ni sir Clyde si baby," aya sa akin ni Chesca. Pero wala sa kanya ang atensyon ko kung hindi nasa kay Clyde na buhat sa bisig nito ang baby ko. Umikot ako sa kinatatayuan niya para kunin sana sa kanya ang anak ko, pero hindi niya iyon binigay sa akin. "Sabayan mo na mag breakfast si Franchesca, ako na muna ang bahala sa baby mo," nakangiti na wika niya sa akin habang nilalaro ang anak ko. "Naku, hindi na sir Clyde, nakakahiya naman sa 'yo, akin na ang baby ko, kasi baka nagugutom na s'ya," nakangiting giit ko sa kanya. Akma kong kukunin sa kanya ang baby ko pero inilayo niya ito sa akin. "I insist, Tin, kumain ka na muna ng almusal saka mo na lang kunin si baby," Lihim akong napalunok sa sinabi niya. Si baby... Bakit pakiramdam ko ay malapit na ang loob niya sa anak ko? No. Hindi maari ito, hindi pwede. Sabi ko sa isip ko. Muli pa sana akong magsasalita pero napatigil ako sa narinig ko na sinabi ni Chesca. "Oo nga, Tin, kumain ka na ng breakfast, at huwag mo nang isipin muna si baby kasi pinadede na siya ni sir Clyde," gulat akong napabaling ng tingin sa kanya. "Anong sinabi mo?" Nanlalaki ang mga mata na tanong ko. Pinaghila niya ako ng upuan, kaagad naman akong um-upo roon. "Bumili si sir Clyde ng powder milk and feeding bottle ni baby," wika niya sa akin saka ipinagpatuloy ang masarap na pagkain ng almusal. Mangha akong napatingin kay Clyde na masayang nilalaro ang baby ko. Napalunok ako. Gosh. Bad idea talaga na ini-accept ko ang project na ito. "Ang sarap sigurong maging asawa ni sir Clyde 'no? Bukod sa gwapo na, ang yummy pa. And take note; napaka father figure pa niya, 'di ba? Miss Danica is super lucky to have him," narinig ko na wika ni Chesca. Tumingin ako sa kanya at muling bumaling ng tingin kay sir Clyde. Iyan lang ang akala mo, kung alam mo lang kung gaano ka playboy ang lalaki na iyan noon eh ewan ko lang kung magawa mo pang purihin ang lalaki na iyan. Sabi ko sa isip ko na gusto ko sanang isagot kay Chesca pero hindi ko nagawa. Dahil mukhang wala talagang balak na ibigay sa akin ni Clyde ang baby ko hanggat hindi pa ako nakakapag-almusal, kaya naman kumain na rin ako. Masarap ang mga nakahain sa lamesa, pero kahit anong sarap ng pagkain ay hindi ko malasahan. Ang tanging laman ng isip ko ay bilisan kumain upang makuha ko na sa kanya ang baby ko. "Gutom, much?" Biro na sabi sa akin ni Chesca sa bilis kong kumain na animoy nakikipag-unahan ako sa contsest na pabilisan umubos ng pagkain. Kinuha ko ang baso ng tubig saka uminom. "Nagmamadali kasi akong kumain dahil nakakahiya kay sir Clyde, baka isipin n'ya ginagawa pa natin s'yang babysitter," wika ko sa kanya habang nagpupunas ng tissue sa labi. "Ano ka ba hindi 'yan 'no, saka hindi mo ba nakita na gustong-gusto ni sir Clyde ang baby mo," sabi niya sa pumangalumbaba sa mesa na tila kay lalim ng inisip. "Bakit kaya wala dito si miss Danica 'no? Di ba dapat nga dalawa sila ni sir ang makakausap natin para sa pagpaplano ng kasal nila?" Tanong niya. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. Dahil nang minsang tinanong ko kay Clyde ang girlfriend nito ay bigla na lang sumama ang timpla niya sa akin. At isa pa, kahit ako ay napapaisip din sa tanong na iyon ni Chesca sa akin. "Mm... Baka busy lang sa work si miss Danica," kibit balikat na sagot ko kay Chesca. "Siguro nga 'no? Pero kung ikaw ang lalagay sa sitwasyon ni miss Danica as a bride to be ni sir Clyde, tingin mo hahayaan mo ba na mag-isa mapagod at magplano ang groom to be mo?" Napaubo ako sa tanong na iyon ni Chesca. Nang aalala naman na lumapit sa akin si Clyde. "Are you okay? Tin?" Anito sa akin. Mabilis akong humablot ng tissue at tinakip sa bibig ko. "O-okay lang ako," sagot ko sa kanya. Pasimpleng nilapit ni Chesca ang mukha sa tapat ng tainga ko saka ito bumulong sa akin. "May napapansin ako sa 'yo girl. mm..." she naughtly whispered. Pinangmulatan ko siya ng mga mata. "Chesca!" "You are not you when you are with him..." makahulugang sabi niya sa akin saka tumayo at lumapit sa gawi ni Clyde. Nakagat ko ang ibabang labi ko. "Ano daw?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD