CHAPTER 43 ALINA TESORO “Lana, tawagin mo na ang kapatid mo at kakain na tayo,” utos ko sa anak ko na abala sa nilalaro niyang play house. Hindi na siya sumagot sa akin pero nag-umpisa na niyang niligpit ang mga laruan niya. Bago lumabas ng bahay at pinuntahan ang kapatid niyang abala makipaglaro sa kapitbahay namin at mga pinsan niya. Inayos ko ang mesa at lumabas na din para tawagin si Mama na abala makipagtawanan sa mga pinsan niya. Wala ang dalawang kapatid ko dahil abala sila sa exams nila para sa susunod na linggo. Kaming apat lang ang madalas na nandito sa bahay hindi ko naman kailangan lumuwas lagi ng Manila dahil pinapadala ko na lang ang mga trabahong natatapos ko. Bukod pa sa nag-eenjoy ako sa bagong negosyo na ginawa ko dito sa kabilang bahay. Isang buwan na an

