CHAPTER 33 ALINA TESORO IT’S BEEN ONE WEEK since I last saw Landon and Vincent. Ever since I left that house with a heavy heart I am already avoiding them. Because of what Vincent said, I feel like all of my courage has melted away. If what he said is true, then every scenario that has been in my life for the last several years is on purpose. Ngayon hindi ko na alam kung paano ko sila kukumprontahin at taas noong ipapamukha sa kanila ang ginawa nila sa akin. Akala ko kahit papaano ay may panghahawakan o lamang pa rin ako kay Vincent sa buhay ni Landon. Pero kung totoo ang sinabi niyang nilapitan lang ako ni Vincent dahil sa kanya ay ginawa lang pala talaga niya akong pantapal sa kabaklaan niya. Ngayon mas lalong pinapamukha sa akin ng tadhana na hindi lang pala asawa at kaibigan

