CHAPTER 57 LANDER FORD TESORO “Lander Ford Tesoro! Ano hanggang ngayon hindi ka pa rin babangon? I told you to sleep early and stop playing online games.” “Okay. I won’t play again,” sagot ko sa kanya bago umikot at siniksik ang mukha ko sa tiyan niya. Isang oras pa lang ako nakakatulog pero hindi ko na sasabihin sa kanya dahil maaga na kami natapos ni Lester sa paglalaro doon sa simulation games na sinabi niya. Alas siyete pa lang ng umaga at inaantok pa ako pero wala akong magawa kung hindi gumising na dahil hindi na naman titigil siya kakasalita. “Sweetie, you want to take a bath with me?” tanong ko habang pinaglalaro ang mga daliri ko sa tiyan niya. Napangiti ako ng maramdaman kong natigilan siya na animoy nakagat ng ahas. Even the grip of her hands on my arms tightens,

