CHAPTER 3
ALINA TESORO
I ALWAYS HEAR PEOPLE admire and talk about my family. They always say how lucky I am to my husband or how lucky he is to me. I don’t know if that was true because everything in my life has changed ever since I got married to Landon. Including the lifestyle, I was used to having.
Buhay na malaya ako at walang mga taong nakatingin o nagbabantay sa bawat kilos ko. Mga matang sobrang iniingatan ko na may mapansin sa aking mali dahil alam kong ikakapula ito sa pamilya ng asawa ko.
Noon kahit yata humilata ako sa gitna ng kalsada ay walang may pakialam o makakapansin man lang sa akin. Ngayon ay konting kibot lang ay nakikita na nila ako. Kahit ang pagpikit ng mata ko ay nabibilang nila lalo na ang mother mother-in-law ko. Sa paningin nilang lahat ay para akong walang ginagawang tama kaya mas lalo akong nahihirapan na mag-adjust, pero kailangan ko pa din gawin.
I can’t limit my movements just because of them.
“Ayos ka lang?”
Umayos ako ng upo at hinarap si Via na kakarating lang din. “Oo naman. Lagi naman akong ayos. Alam mo yan, Via.”
Matipid siyang ngumiti sa akin at umorder na ng pagkain naming dalawa. Tinawagan ko siya para makipagkita sa akin na mukhang ikinagulat niya pa, dahil never ko naman itong ginawa unless it’s a matter of life and death. Kaya ngayon ay mabilis pa siya kay flash na nakarating dito dahil sa takot na baka may nangyari na daw sa akin na masama.
Minsan maganda rin talaga na meron kang kaibigan na kahit yata nasa gitna ito ng Antartica ay lilipad para lang puntahan ka kapag kailangan mo ng tulong.
Via ordered food for both of us. Then Via started eating as she sat in front of me and drank the wine she’s holding as if she came from a war. “Alam mo bang may lunch kami ng mga pinsan ko sa Okada? Pero dahil mahal kita ay iniwan kita kasi baka nagpakamatay ka na pala ang sarap pa rin ng kain ko doon,” she commented as she eat.
“Kaya mahal kita eh,” tukso ko din sa kanya na agad niyang ikinatigil at parang baliw na ngumisi sa akin.
“Ano ba, Alina?! Wag ka namang ganyan baka mahalin na din kita,” patol niya bago parang sira na kinikilig-kilig pa akong niyakap.
Minsan talaga sa magulo at maingay na buhay natin ang kailangan lang natin ay isang baliw na kaibigan gaya ng meron ako. Mula noon ay hindi nagbago ang kakulitan at kagagahan niya. Kahit papaano ay pinapagaan niya ang mabigat kong dibdib at magulo kong isip.
“Now tell me what happened,” Via started as she finished the food she ordered.
“I found some things on Landon’s car.” I started.
“What kind of things?” kuryoso din na tanong ni Via.
Nagulat pa ako ng may bagong plato na nilapag sa harap namin. “Lipstick, stockings and his acting weird, lately.” Paliwanag ko sa kanya na ikinatigil niya bago saglit na nag-isip.
“Weird? Matagal ng weirdo ang asawa mo, Alina.” Bahagya siyang tumawa ng umikot ang mata ko dahil sa komento niya. “Maybe that’s your’s. Nakalimutan mo lang na naiwan mo sa kotse niya.”
Iyon din ang unang pumasok sa isip ko ng makita ang mga gamit na ‘yun. Pero kilala ko ang brand na ginagamit ko sa mga gamit ko dahil hindi naman ako maluho sa mga materyal na bagay. Lalo na at ang mga nakita kong gamit sa kotse ni Landon ay hindi lang mamahalin kung hindi ay limited edition pa.
I didn’t work in the fashion industry for nothing.
“I already check the brand and it’s a limited edition. Kailangan ko ba siyang tanungin o baka napaparanoid lang ako?” tanong ko na pilit din kinukumbinsi ang sarili ko.
“Confront him, Yna. Hindi naman pwedeng bigla na lang napunta doon ang mga gamit na ‘yun sa loob ng kotse niya. And worst it’s not just a simple brand that anyone would afford.”
Akala ko ay pipigilan niya ako sa pagiging paranoid ko ngayon pero kaibigan ko talaga siya dahil mas binibigyan niya ako ng ideya sa mga bagay na hindi ko naman pinapansin talaga. “I don’t know, Via. I don’t want to confront my husband just for a petty reasons. Maybe someone did own the stockings and lipstick, but it doesn’t mean that he is cheating on me,” I uttered as I sip on my beer.
“Then, why the hell are you telling me about it? If you won’t even fvcking listen to me?” aniya habang umiikot-ikot ang mata sa akin.
“I need a friend, that’s all.”
Naubos ang oras naming dalawa na magkasama sa walang tigil na kwentuhan at panaka-nakang hirit niya sa akin na kumprontahin ang asawa ko at itanong ang tungkol sa nakita ko. I want to do that, but I am also scared that I might be wrong. Natatakot akong baka pag-awayan namin ang bagay na ‘yun tapos mali lang pala ako ng hinala.
Sa ilang taon naming magkasama at magkarelasyon ni Landon ay never itong nagloko o kahit paghinalaan man lang. Hindi naman siya nagkukulang sa akin bilang asawa at ama ng anak ko kaya walang rason para magduda ako. Bukod pa sa sobrang maalaga nito at maalalahanin sa akin ay never talagang pumasok sa utak ko na lolokohin niya ako.
“Hay naku! Think about what I said to you, Alina. You deserve to know that truth, not a petty feelings about that your so perfect husband,” dagdag pa ni Via bago ito sumakay ng kotse niya.
Nakangiti lang akong kumaway sa kanya bago bumalik sa sarili kong sasakyan. Nagdrive na ako pauwi pero habang nasa byahe ay bigla kong naamoy ang sarili ko kaya huminto na lang muna ako sa convenience store na dinaanan ko.
Kumuha lang ako ng isang inumin at pumunta sa counter. Habang inaantay itong matapos ay binabasa ko lang din ang message ng asawa ko na gusto ng mga bata ng pizza. “Iyan lang ang bibilhin mo? Don’t you need anything else?”
Napaangat ako ng tingin sa tanong na iyon. At halos umawang ang mga labi ko ng makita kong sino ang lalaking nasa harap ko ngayon. “Vincent…” usal ko ng habang mangha na nakatingin kay Vincent.
“Lasing? Here add this one para hindi ka maamoy ng mga bata.” Abot sa akin ni Vin ng isang kendi.
Napapailing na lang akong tinanggap ang inumin na binigay niya bago sabay kaming naupo sa isang lamesa na nasa labas ng store. Habang inuubos ko ang inumin na binili ko ay kumakain naman siya na mukhang nakalimutan niya na naman dahil sa sobrang pagiging workaholic.
Mula noon pa na nag-aaral kami ay ganito na ang ugali niya. Halos subsob ito sa pag-aaral o sa mga bagay na gusto nitong makuha. “Hanggang ngayon ba hobby mo pa rin ang hindi pagkain?” baling ko sa kanya.
“Nagkaroon kasi ng problema sa apartment ko kaya ngayon lang ako nakakain. Ihatid na ba kita? Baka nag-aalala na ang asawa mo,” aniya na akmang tatayo pa pero mabilis ko ng pinigilan.
“No need. May dala akong kotse nagpapalipas lang ng oras,” nakangiti kong sagot sa kanya.
Ilang minuto pa kaming nagkwentuhan habang nakaupo doon sa tapat ng convenience store bago ako nagpaalam sa kanya. Baka mainip na ang mga anak ko kakahintay ng pizza nila. Ilang minuto lang ay nasa bahay na ako kasabay ng pagdating ng pizza na inorder ko kaya ako na rin ang nagpasok sa bahay.
Pagdating ko ay ang dalawang anak ko na lang ang naabutan ko na nakaupo sa couch at nanonood ng paborito nilang palabas. Humalik lang ako sa pisngi nila bago umakyat sa kwarto para maligo at magbihis. Akala ko pagdating ko doon ay maabutan ko si Landon pero wala rin sa kwarto ang asawa ko.
“Have you seen your Dad?” I asked them when I joined them on the couch.
“He said he’ll go out for a sec, Mom.” Levi answered, still busy eating the pizza.
Sinamahan ko na lang ang mga bata hanggang sa mapagod sila at antukin ay wala pa rin si Landon. Sinubukan ko pa siyang hintayin na makabalik pero nakatulog na lang ako ay wala pa ring Landon na dumating. Nang magising ako ay nasa tabi ko na siya at mahimbing na natutulog. Gustuhin ko mang magtanong kung saan siya galing ay wala na akong oras dahil kailangan ko ng bumangon at asikasuhin ang mga bata. Dahil baka kapag naunahan na naman ako ng Nanay niya ay siguradong walang tigil na sermon at parinig na naman ang gagawin nito.
Sa ilang taon ko na kasal kay Landon ay sasabihin kong nasanay na ako sa ganong asta ni Mommy, pero madalas nakakapuno din lalo na kung harap-harapan niyang pinapamukha sa akin ang lahat. Pagbaba ko ay nasa baba na si Eden na parang nabunutan ng tinik ng makitang ako ang nagbukas ng pinto.
“Nakakagulat ka naman, Ate Yna. Akala ko si Madam Sol na po ang dumating eh.”
Napapailing na lang akong nilagpasan si Eden at tumulong na lang din sa paghahanda ng mesa. Hinanda ko na rin ang pagkain para sa pack lunch ni Landon at ang para sa mga bata. Eksaktong kakatapos ko lang maghanda ng pagkain ng mga bata ay bumaba na rin ang mag-aama na walang tigil sa paghaharutan.
Habang pinapanood sila ay hindi ko maiwasang mapangiti. Sa buhay kung parang kontrabida lagi ang Nanay ni Landon ay sila na lang talaga ang nagpapasaya sa akin. Sila ang rason kung bakit nananatili akong positibo at masaya sa buhay pamilya na pinili ko. Pinapaalala nila lagi sa akin kung gaano ako kaswerte sa kanila at sa buhay na meron ako ngayon.
“Ano ba, Landon?!” saway ko ng bigla niya akong yakapin mula sa likod at isubsob ang mukha niya sa leeg ko at patakan ng mumunting halik bilang pagbati.
“Good morning, Love!” bati niya habang nakasiksik pa rin sa leeg ko at mahigpit na nakayakap sa akin.
“Good morning! Kumain na tayo.”
Sabay kaming naupo at inasikaso na ang mag-aama ko. Habang inaasikaso ko sila ay biglang pumasok si Mommy kasunod si Amanda. Maang lang akong pinagmasdan sila ng agad na nilapitan ni Amanda ang asawa ko at humila ng upuan papunta sa tabi ni Landon.
“Ano ba itong almusal niyo wala man lang kabuhay-buhay. Naku Iho, tikman mo yang niluto ni Amanda masarap.”
Pinanood kong kumuha si Mommy ng plato para kay Amanda habang pinagsasandukan ni Amanda ang asawa ko ng dala niyang pagkain. Nang mapansin ko na pati ang mga bata ay napapatingin na rin sa kanila ay mabilis akong tumayo at nilapitan sila para udyokan ng kumain at mabaling sa akin ang atensyon nila.
“Is it delicious?” tanong ni Amanda sa asawa ko matapos isubo ang kutsarang may lamang pagkain.
“Yeah. But you know I don't like sweets,” nakangiti niyang sagot kay Amanda bago bumaling sa akin at pinisil ang kamay ko.
Isang tipid na ngiti ang sinagot ko sa kanya bago nilagyan ng bacon ang plato niya. Ramdam ko ang masamang tingin sa akin ni Mommy at Amanda na siyang nakaupo pa rin sa kabilang gilid ni Landon.
Bahay namin itong mag-asawa pero para pa rin akong nakikisama sa mga magulang niya lalo na kapag madalas itong nandito sa bahay. Halos buong oras na pananatili niya ay wala itong gagawin kung hindi ang sitahin ang bawat kilos ko at pulaan ang bawat hindi niya magugustuhan. Gaya ngayon na nandito siya ay siguradong sinasadya na naman niyang isama si Amanda dito at ipamukha sa akin kung sino talaga ang mas gusto niya.
“Maliligo lang ako,” paalam ni Landon matapos kumain at bumalik na sa kwarto namin.
Eksaktong nagsara ang pinto ng kusina ay nag-umpisa na rin si Mommy. Napangiwi ako ng hilahin niya ang buhok ko mula sa likod. “Kung ano ang gusto kong ipakain sa anak ko ay wala kang karapatan na mangialam pa. Pinapamukha mo ba sa akin na asawa ka kaya mas may karapatan ka?” nanggigigil na duro sa akin ni Mommy.
“Hindi po ganon. Hindi ko naman po mapipilit si Landon kung ayaw niyang kainin ang dala niyo.”
“Bastos ka talaga! Kaya ayoko talaga sayo para sa anak ko dahil sinisira mo ang buhay niya,” sigaw niya bago malakas akong tinulak.
“Sorry po. Ihahatid pa po namin ang mga bata kaya mauuna na po ako,” paalam ko sa kanya bago tumalikod.
Pero bago pa ako makahakbang paalis ay napangiwi na lang ako sa sakit ng hilahin niya ang buhok ko. “Bastos ka talaga! Wala kang modo!” Hindi ko na lang mapigilang mapasigaw sa sakit dahil sa ginagawa niya.
Maya-maya pa ay bigla ng pumasok si Landon para tulungan ako at ilayo sa akin ang Nanay niya. “Mom, what are you doing to my wife?” sigaw na ni Landon kay Mommy kaya mas lalong nalukot ang mukha niya at masama akong tiningnan.
“Binabastos ako niyang asawa mo. Naku, Landon pagsabihan mo yang asawa mo ah! Aatakihin ako sa inyo,” Mom said before walking out of the kitchen.
Pagkaalis ni Mommy ay inupo lang ako ni Landon at inabutan ng tubig. “Ang sabi ko naman sayo ay huwag mo ng pansinin si Mommy dahil sigurado akong mapapagod din yan,” bulalas ni Landon.
Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya kaya mangha na lang akong nakatingin na para bang nalunok ko ang dila ko. Kailan ko pa naging kasalanan ang lahat ng nangyayari sa bahay na ito?
“Is it my fault that she likes Amanda more than me?” bulalas ko ng akmang tatalikuran niya ako.
“She doesn’t like Amanda. Akala mo lang ‘yun dahil lagi kayong dalawa nagtatalo.”
So ako pa rin pala ang mali?
Napait akong napangiti at tumingala para pigilan ang luhang nagbabadya ng bumagsak. “Ako pa rin pala ang dapat mag-adjust nakalimutan ko. Sorry,” I whispered before leaving him alone in the kitchen.