CHAPTER 35 ALINA TESORO ISANG LINGGO na mula ng huling beses kaming magkita ni Landon at ng pamilya niya. Wala akong narinig sa kanya o kahit sa mga magulang niya. Wala akong balita kung nagkaayos sila o kung napatay na siya ni Dad sa galit sa kanya. “Ate, pinapatanong ni Mama, anong oras ka daw aalis?” dungaw ni Alyssa mula sa pinto ng kwarto ko. Alas onse na ng umaga, pero nakahiga pa rin ako dahil tamad na tamad akong kumilos. Nitong mga nakaraang araw ay halos lagi akong tulog o di naman kaya o di naman kaya ay nilulunod ang sarili ko sa trabaho. Ang sabi ni Via ay indenial na daw ang katawan ko sa mga nangyayari sa buhay ko kaya mas gusto pa nitong manatili sa lugar kung saan safe siya at walang makakapanakit sa kanya. Hindi ba ang puso ko ‘yun? Kung wala sila ang mga anak

