Chapter 2

2039 Words
Chapter 2 Pagod akong pumasok ng bahay namin. Sa loob ay naabutan ko si Papa na pangiti-ngiti habang nakatingin sa cellphone nito. Nang maramdaman niya ang presensiya ko ay nag angat ito ng tingin sa akin. "Nak, nandito ka na pala..." Tumango ako at inilapag ang aking bag sa tabi nito. Pupunta na sana ako ng kusina para tingnan kung ano ang meryenda ay tinawag naman niya ako. "Den." Tawag sa akin ni Papa. Simula bata pa ako ay iyon na ang kinamulatan kong tawag niya sa akin. Siguro ay magkapareho kami ng palayaw ni Mama. Denie kasi ang pangalan ni Mama kaya naging 'Den' din ang palayaw na tawag ni Papa. "Pa..." sagot ko. Tamad akong lumapit sa kanya. Nakita ko na iniangat nito ang cellphone na parang may ipapakita sa akin. "Tingnan mo itong kapatid mo. Hawig na hawig ni Mama mo." Sumilip pa si Papa sa akin. "Kamukha mo din nung baby ka." Tiningnan ko ang pinapakita nito sa screen. Bago iyong post ni Mama sa f*******: niya. Kakapanganak pa lang kasi nito nung nakaraang linggo. Ngayon lang nag-upload. Sa totoo lang ay hindi ko naman makita ang sarili ko sa baby. Siguro dahil hindi ko naman nakita ang mga baby pictures ko. Nasa drawer ito pero kahit kailan hindi ko iyon binuklat para tingnan. Sa huli ay tumango ako. "Pa, nagmeryenda ka na?" Tanong kalaunan. Ibinaba nito ang cellphone bago sumagot. "Nagkape lang. Kakain na rin tayo ng hapunan maya maya." Sagot naman nito. Ganoon na lang din ang ginawa ko. Nagtimpla ng kape at hindi na kumain pa. Naamoy ko na rin kasi ang sinampalukang manok na niluto ni Papa dito sa kusina. "Ang aga mo naman ata mag-out Pa?" Tanong ko nang marealise ko na alas singko palang pala ng hapon. Karaniwan kasi ay alas otso pa ito nakakauwi ng bahay o kaya mag aalas nuebe. Pinakalate na nito iyon. "Wala namang masyadong ginagawa sa opisina e, atsaka signal number one dito sa lugar natin. Maaga rin kaming pinauwi." Humigop ako ng kape. "Sana all, pinapauwi kapag may bagyo." Bulong ko habang naghahalo ng iniinom kong kape. "Si Ate nga pala? 'dito na?" Nagthumbs up si Papa..at ayun nasa f*******: timeline na naman ni Mama ang atensyon. Tahimik akong naglakad sa likod nito at mula doon ay kinuha ko ang bag ko. "Akyat lang ako sa taas, Pa." Paalam ko. Saglit itong tumingin sa akin. "Sige, Den, tawagin kita kapag maghahain ka na." Tumango ako at naglakad na paakyat ng kuwarto. Pagkarating sa taas ay hindi ko pa man napipihit ang doorknob ng kuwarto ni Ate ay napaikot na ang mga mata ko sa inis. Paano ba naman kasi nagpapatugtog na naman ng kanta ni Olivia Rodrigo tapos sinasabayan pa nito. She's everything I'm insecure about Yeah, today I drove through the suburbs 'Cause how could I ever love someone else? Binuksan ko na ng tuluyan ang pintuan ng kuwarto nito pero hindi man lang ako napansin. Patuloy lang ito sa pagkanta. Inilapag ko ang bag ko sa temporary study table pagkatapos ay kumuha na ng damit sa cabinet. "Pati iyan Ate, nakakarelate ka rin?" Tanong ko na. Taas ang kilay ay sumagot ito. "This is a heartbreaking song. Heartbroken ako...malamang!" "Driver license yan ate. Wala ka namang lisensiya. Wala rin tayong kot--" Natigil ako ng bigla akong batuhin ni ate ng hairbrush. "Punyeta ka, Denise. Please disappear!" Pikon nitong sigaw sa akin. Ako naman ay dumiretso sa C.R, hindi ko tuloy malaman kung matatawa ba ako o maiiling na lang sa pinaggagawa ng ate ko. Ni, hindi ko nga alam kung pumasok ba iyon trabaho niya ngayong araw o maghapon lang nagmo-move on. Nang matapos maligo at makapagbihis ay mabilis akong pumuwesto sa single air bed na ini-assemble pa ni Papa para higaan ko dito sa kuwarto ni Ate. Isinuot ko ang hoodie jacket, kinonek ang airpods sa cellphone ko at inilagay na sa aking tenga. Ready na akong manuod ng bagong episode ng pinapanood kong movie series. Kaya lang ay paulit-ulit ko ng binabalik balikan ang mga scenes na hindi ko masyadong naiintindihan, hindi dahil sa iba ang lengguwahe nito kundi ginugulo ng Greg na iyon ang utak ko. Imbes na ang lalaking bida ang makita ko sa screen ay ang pagmumukha ng lalaking iyon ang naiimagine ko. Kung gaano kayabang ang pagmumukha niya kanina. Kung gaano kakapal ang mukha niya. Sa inis ay hindi ko tinapos ang pinapanood. Ibinaba ko ang hoodie na nasa ulo ko at bumangon. Sa pagbangon ko ay wala na si ate sa kuwarto niya. Siguro ay bumaba sa kusina para maghanap ng makakain na naman. Hindi nga ako nagkamali....dahil pagbalik niya ay mayroon na itong ice cream sa baso. Sumalampak na ito ng upo sa ibabaw ng kama at muling binuksan ang speaker at nagpatugtog ulit. Nag beep ang phone ko. Nagchat si Papa sa group chat. Papa: Kakain na mga mahal kong sperm cells. May laughing emoji at may puso pang kasama. "What? Kakain pa lang ako ng ice cream!" Inis na salita ni ate. Isinuot ko ulit ang hoodie sa ulo ko. "Sperm cell ang tinawag sa atin ni Papa pero mas nag react ka diyan sa ice cream mo? Ewan ko sa inyong dalawa. Magtatay nga kayo." Sabi ko naman sabay tayo. Kasabay ng pagsara ko ng pinto ay siya namang sigaw nito. "Tatay mo rin yon! Palibhasa kasi mas bilot ka sa egg cell ni Mama kaya ka ganyan." Mas inayos ko ang hoodie na nasa ulo ko at hindi na inintindi pa ang sinabi niya. Pagkababa ko ay nakita ko ng iniinit na ni Papa ang ulam. Ako naman ay tumuloy na nasa plate dispenser para kumuha ng tatlong plato at kutsara. Kumuha na rin ako ng plate mat para sa pagpapatungan ng mga plato sa lamesa. Kinuha ko na rin ang isang pitsel na iced tea na nasa ref at inilagay na rin sa lamesa kasama ng tatlong baso. Maya maya ay nakita ko na rin si Ate na naglalakad papunta dito sa kusina. "Eto na pala ate mo e. Akala ko hapunan na niya yang ice cream...ibaba mo na ang hoodie mo, Den." Salita ni Papa sa aming dalawa ni Ate habang umuupo sa pinakaunahang upuan. Si ate naman ay umupo na sa kaliwa ni Papa, ako naman sa kanan. Sinunod ko na rin ang utos niya na ibaba ang hoodie ko. Papa held our hands. Pumikit ito at nag umpisa ng magdasal. "Amen." Sabay sabay naming sabi na tatlo pagkatapos. Si Papa ang unang nagsandok ng kanin. Pinagsandok niya pa kaming dalawa ni Ate. "Pa, konti lang kanin ko..nagda-diet ako." Si Ate. Umingos si Papa. "Magpapayat? para kanino? diyan sa boyfriend mo?" "ex na 'Pa." Singit ko naman. Pinanlakihan ako ng mga mata ni Ate pagkatapos ay inirapan. "Hindi, Pa, bet ko lang. Atsaka ka magji-gym ulit ako." Sagot naman ni Ate sabay subo ng isang kutsarang kanin. "Ah...nagmo-move on ka na? Huwag ka na magmove-on nak, wala namang kuwenta yang ex mo 'e. Babaero." Tumango ako. Sang-ayon na sang-ayon sa sinabi niya. "Pa....grabe ka naman." "Eula Debbie....dapat lagi mong tatandaan, na ang babae hindi puwedeng saktan lalo na kung ang dahilan lang e, kapwa babae rin! Hindi ko minahal ng tunay ang Mama niyo at nabuo kayo para lang saktan ng kung sino diyan." Hindi nakasagot si Ate. Ako naman ay hindi na nagsalita. "Hangga't ako ang tatay niyo. Hangga't buhay ako....ayoko ng may nananakit na lalaki sa inyo. Ikaw...Euala ha...kahit matanda ka na, at iniisip mo na normal lang ang masaktan kapag nagmamahal puwes--dito sa bahay natin, hindi ko hahayaan 'yon. Huwag ko lang makita yang boyfriend mo--" "ex 'Pa." Pabulong na singit ko. Napaigik ako ng maramdaman ko ang ginawang pagsipa sa akin ni Ate sa ilalim ng lamesa. Nag irapan kaming dalawa. "Tumigil na kayong dalawa. Kumain na tayo." Dinilaan ko pa muna ng isang beses si ate bago sumagot kay Papa. "Okay, 'Pa." Tahimik kaming naghahapunan. Panaka naka ay nagtatanong si Papa kung kumusta na ang trabaho ni ate at ang pag aaral ko. Si Ate ay nagrereklamo dahil ang daming trabaho minsan napipilitan siyang mag overtime sa sobrang dami pero ang suweldo daw ay hindi tumataas. "May mga nagrereklamo na ba? Bukod sa inyo? Dapat malaman ng H.R 'yan. Delikado na rin ang umuwi ng hating gabi. Paano kung overtime rin ako sa trabaho? Hindi kita maisasabay." "Meron naman Papa, kaya lang hindi priority yung department namin nang kompanya e." "Mali 'yon kahit sa pinakamababang posisyon priority pa rin. Ano naman ang plano mo?" Uminom ng tubig si Ate bago sumagot. "Lilipat na lang siguro ako ng trabaho 'Pa." Tumango tango si Papa habang may nginunguya. Uminom ito ng tubig pagkatapos. "Kung nahihirapan ka na...mabuti pa nga pero kahit ganoon...kailangan mo pa rin pag isipan." "Ikaw naman Den, kumusta pag aaral mo?" Nabaling sa akin ang atensyon ni Papa. "Okay naman 'Pa. Baka next week mag OJT na ako." "Ready ka na ba? May napili ka na bang mapapag-OJT-han?" Tumango ako. "Yes 'Pa. Sa engineering firm ni Gregory Geoffori." Nakita ko ang ginawang pag angat ng tingin ni Ate. "Sa kuya ni Greg?" "Sa boyfriend mo?" Si Papa. "Ex, 'Pa..." ngayon ay si Ate na ang nagsabi non. Tumango tango si Papa. "Sige, kung doon ang gusto mo, sige suportahan kita. Basta mag iingat at mag eenjoy ka." "Yes, Papa. Thank you po." Sagot ko. "Ay nga pala...." pareho kaming napatingin ni Ate sa direksyon ni Papa nang magsalita ulit ito. "Nag chat sa akin ang mama niyo. Hindi raw kayo nangangamusta sa kanya." Pareho kaming hindi nakasagot agad ni Ate. "Busy po e." Mahina kong sagot. Parehong ibinaba ni Papa ang kubyertos niya sa ibabaw ng ginagamit nitong pinggan. Medyo may kalakasan iyon. "Kapag ang mama mo ay magchat....anong kabilin bilinan ko?" "Mag-reply." Si Ate. "Mama niyo 'yon. Hindi kung sino lang. Kaya magreply kayo. Anong iisipin ng mama niyo? Na sinusulsulan ko kayo na huwag mangamusta sa kanya?" Umiling kaming dalawa ni Ate. Huminga ng malalim si Papa. "Kahit anong mangyari. Dalawa kaming magulang ninyo. Hindi lang ako o hindi lang ang mama ninyo. Kaya dapat pantay ang respeto ninyo sa aming dalawa. Naiintindihan niyo ba ako?" "Yes Papa." "Yes, 'Pa." Sabay naming sagot ni Ate. Tahimik ang hapagkainan habang kumakain kami. At kahit tapos na si Papa na kumain ay hinintay niya kaming matapos ni Ate. Si Ate na ang nagsalansan ng mga pinggan at ito na rin ang naghugas. Tumayo na rin si Papa at dumiretso sa sofa. Nang natapos na ang pagpupunas ko sa lamesa at pagwawalis sa kusina ay lumabas na ako doon. Bago ako umakyat sa kuwarto ay nakita ko pa si Papa na nanood ng pelikula sa sala. Pelikula na....paulit ulit nitong pinapanood araw-araw. Pelikula na paborito nilang pareho ni Mama. Hindi ko na ito nilapitan at umakyat na ako sa kuwarto. Mabilis akong dumapa sa airbed at kinuha ang cellphone. Dumiretso ako sa messenger at hinanap sa message request ang pangalan ni Mama. Pagkabukas ko ay nakita ko ang sunod sunod nitong message. "Ayos lang naman po." Sa dami ng chat nito sa akin ay iyon lang ang kaya kong ireply sa kanya. Wala pang two minutes ay nagreplay agad sakin si Mama. Mama: Anak miss na miss na kita. Kumusta ang pag aaral mo? Pagkabasa ko ng reply na iyon ni Mama ay may sumunod naman itonv sinend sa akin. Video iyon. Video ng kapatid ko. Ngunit hindi ko iyon binuksan para panoorin man lang. Hindi na rin ako nagreply kay Mama. Chinarge ko ang cellphone ko at tumihaya ng higa. Sa totoo lang ay wala naman akong tinitingnan sa kisame. Sinusundan ko lang ang maliliit na bilog na nililikha ng paningin ko. Ang kunyaring pag ikot ng kisame sa mga mata ko. Wala akong maisip. Wala akong maramdaman. Wala na rin ata akong pakialam. Tumayo ako at lumabas ulit ng kuwarto. Pababa ay nakasalubong ko si Ate. Nagkatinginan kami at parehong nagkibit balikat bago lagpasan ang bawat isa. Tuloy tuloy akong bumaba. Naabutan ko pa rin si Papa na nanonood ng pelikula pa rin na pinapanood nito bago ako umakyat sa itaas. "Pa..." tawag ko sa kanya. Gumalaw ang ulo nito ngunit ang atensyon ay nasa T.V pa rin. "Hmm..." "Punta lang akong Circuit, bike lang." Pagpapaalam ko. Nakita ko pa ang pagpulot nito sa remote at ang ginawang pag-pause sa pinapanood. Tuluyan na niya akong nilingon. "Bike?" Ulit nito. Tumingin ito wall clock na nakasabit lang sa itaas ng T.V. "Sige, pero bumalik ka ng alas nuebe. Impunto." "Opo. Sige po alis na 'ko Pa." Tumango ito sa akin at muling pinanood ang pelikula pagkatapos i-play. Ako naman ay lumabas na. Lalakarin ko na lang siguro, tutal ay malapit lang naman. Mga apat na kanto ang nadaanan ko bago ko nakita ang entrance ng Circuit. Malawak ito. Mall ito na may malaking soccerfield sa loob. May race tracks, may malaking outdoor stage para sa mga nagkoko-concert. Malaking parking lot sa labas na puwedeng magjogging sa gilid. Sa harapan ng outdoor stage ay ang skateboarding area, Biking area, Benches at ang pinaka masarap tambayan sa lahat, katabi lang din ng skateboarding area ay ang gater na puwedng tambayan na ang kaharap ay ang masangsang na amoy ng Ilog. Pero kahit ganoon, masarap pa rin siyang tambayan lalo na kapag gabi para magpahangin lang. Lumapit ako sa mga bakanteng bike at hinanap si Harold - yung nakatokang magbantay ng mga bike para paarkilahan sa gustong mag-bike. "Rold, hiram ako. Yung mountain bike." Kaagad kong salita ng makita ko siya na kakarating lang. Galing siguro sa karinderia ni Rose para maghapunan. Tumango naman ito habang umiinom ng tubig. "Yung nasa unahan. Bagong dating lang ngayon..wala pang umaarkila, ikaw pa lang." Sabi naman nito sabay turo ng kulay itim na bike. Umingos ako. "Sabi ko hiram lang." "Sus, bawal na. Nandito si Manager, di pa kumukuha ng kita kaya hindi ka muna excuse ngayon." Salita naman nito. Ang tinutukoy naman nito ay ang Manager na minsan lang pumunta dito. Pupunta lang kapag kukuha ng kita. Nagkamot ako ng ulo. "Sige, pero singkwenta lang 'tong dala ko." Sabay dukot sa bulsa ng pants ko. Iniabot ko sa kanya ang fifty pesos. "Okay na 'to. Ako na bahala. Sige na kuhanin mo na." Dala ko ang helmet at ang mga kinakabit ko sa tuhod at siko ay kinuha ko na ang bisikleta. Bago ako sumakay ay kinabit ko muna ang helmet sa ulo ko. Pati na rin ang pads sa dalawang siko at tuhod ko. Nang okay na ay tiyaka ko na sinumulang mag-bike. Mabilis akong pumunta sa biking area at gumawa ng mga basic tricks. Si Harold naman ay tumitingin lang sa akin. At kapag nagagawa ko ang medyo mahihirap na tricks ay napapathumbs-up ito sa akin. Si Harold ang nagturo sa akin mag bike. Kung paano gawin ang mga basic tricks gamit ang bisikleta. Nobody knew about this even my father. Ang alam lang ni Papa ay karaniwan lang akong nagba-bike. But, I wasn't. Kapag may pagkakataon o kaya ay hindi ako makapag isip ng mabuti ay ito lang ang ginagawa ko. Pagtapos ng ilang tricks at pag iikot sa buong Circuit ay tsaka naman ako uuwi na. Bago mag exam o kaya naiistress ako sa school ay ito din ang ginagawa ko....just to ease the stress in my body. "Puwede ka na sa mga tournament. Magaling ka na, Eualie" komento ni Harold. Inalis ko ang helmet sa ulo ko. "Alam mong wala sa plano ko yan. Libangan ko lang 'to. Atsaka mamaya kapag nalaman ito ni Papa, pagalitan pa 'ko." Tila naintindihan naman nito ang sinabi ko. "Alam ko. Kaya lang sayang e. Malaki ang potensyal mo manalo kung saka-sakali. Malaki laki rin ang prizes." Pero buo na ang desisyon ko. "Si Ryan...magaling din naman siya. Bakit di mo alukin? Sa yabang non...papayag agad yon." "Hoy! Mga chismosa! Narinig ko kayo ha!" Sigaw nito sa amin nang dumaan ito sa harapan namin habang mabilis na nagba-bike. Pareho kaming tumawa ni Harold. Sa totoo lang ay hindi mayabang si Ryan. Mabait yon pero moody. Kabarkada ko rin. Huminto ito sa tapat namin. "Sasali talaga ko pero huwag muna ngayon, magpa-practice muna ko ng mabuti." Sasagot na sana ako kaya lang ay naramdaman ko naman ang pagpatak ng ulan. "s**t! Uuwi na 'ko!" Nagmamadaling salita ko. "O sige! Sige! Iwan mo na lang ang bike ako na ang magbabalik. Sumilong ka na muna kaya?" suhestiyon nito sa akin. "Hindi na. Panaka naka pa lang naman ang ulan. Hindi naman siguro lalakas hanggang sa makarating ako sa bahay." "O, sige. Ikaw bahala." Sagot na lang nito. Umaabon ay naglakad na ako pauwi ng bahay. Hindi ko pa naman machat si Papa dahil iniwan ko ang cellphone ko sa kuwarto ni Ate sa itaas. Wala pa akong sa unang kanto ay bumuhos na ng malakas ang ulan. "s**t! s**t!" Bulong ko habang mas inaayos ko ang pagkakasuot ng hoodie sa ulo ko. Mabuti sana kung malapit lapit na ako kaya lang ay hindi! Mabuti din sana kung matibay ang immune system kaya lang ay hindi din! Lagot ako nito kay Papa. Mas gumilid ako ng daan nang mapansin ko ang ilaw galing sa isang sasakyan. Malakas na ang ulan kaya hindi ko na rin masyadong makita ang daan. Ngunit ang akala kong sasakyan ay isang motor pala. Bumagal ang takbo nito sa gilid ko. "Huwag niyo sabihing ngayon kayo manghoholdap. Malakas ang ulan!" Nagngingitngit ay salita ko pero dahil sa lakas ng tunog na nanggagaling sa ulan ay paniguradong hindi nila iyon madidinig. "Sakay!" Rinig kong malakas na sigaw ng driver pero mas lalo kong binilisan ang paglalakad. "Miss sumakay ka na. Malakas ang ulan!" Pero hindi ako tumigil man lang sa paglalakad. Hindi ako nakikipag usap sa hindi ko kakilala. At sinong matinong tao ang magpapasakay ngayon kasagsagan ng malakas na ulan? "Hindi ho! Maglalakad na lang ako!" "Mas mababasa ka ng ulan!" Nagsisigawan na kaming dalawa. Patuloy ito sa pagsunod sa akin. Nasa huling kanto na ako ngunit hindi pa rin ito umaalis. "s**t! I should've not followed you. s**t!" Gago, sino ba kasing nagsabi sa'yo na mag alok ka na magpasakay diyan sa motor mo? Nagulat at nahinto ako sa paglalakad ng bigla na itong huminto sa harapan ko. "The f**k!?" Napahilamos ako ng wala sa oras ng mukha dahil basang basa na talaga ako ang buong mukha ko na para na akong nalulunod. "Puwede bang sumakay ka na? Nagmamagandang loob na ako na pasakayin ka sa motor ko. Bakit nagpapakipot ka na naman?" Napataas ako ng kilay. Aba! Ang arogante naman ng lalaking 'to. "Hindi na ako sasakay!" "Woman...." tila naiinis na salita na nito. "Sumakay ka na..." "Hindi nga sabi e!" "At bakit--" "Ayan na bahay namin o!" Sabay turo ko sa pangatlong bahay mula sa kanan. Hindi ko na siya inantay na magsalita pa. Nilagpasan ko na siya at ang motor niya na nakaharang sa akin. Tumatakbo ay pumasok ako sa gate namin. At bago ako tuluyang pumasok sa bahay ay tiningnan ko pa ang estrangherong lalaki. Swabe nitong niliko ang motor at mabilis na umalis. "Bulol." Bulong ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD