"HOY! ANO BA bakit ba nakikigulo ka sa amin," boses iyon ng bunso namin. Pababa pa lang ako at kagigising ko lang, boses na ng bunso namin ang naririnig ko. Nasaan ang ba ang maganda kong Misis, at mukhang ang mga bata lang ang nasa sala namin. At hindi nga ako nagkamali, Si Thomas at Hector ang una kong nakita. Hector is Huge and Vanessa's only son. So technically speaking, pinsan ng mga anak ko, pamangkin ng asawa ko. Sunod na nakita ko ay si Vince na tatawa-tawa habang nakikigulo sa mga nakababata nitong kapatid at pinsan. "Anong nangyayari rito? ang aga-aga ang lakas na nang boses ng bunso ko," sita ko sa kanila. Tumayo ang mga anak ko nang makalapit ako sa kanila, nagsipag-mano ang mga ito sa akin including Hector. "Uncle ninong, pauwiin mo na nga po si Kuya Vince. Nigugulo ni
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


