"MAMA ANG ganda niyo po talaga"pang-ilang ulit nabang sinabi ng anak ko ang papuri niyang iyan. Mula kaninang inaayusan ako hanggang sa maisuot ko ang wedding gown ko. Nasa tabi ko lang si Vince na little groom ni Thimothy. Na dapat nga doon siya sa tatay niya mangulit pero saakin siya nakadikit. "Alam ko anak. Ilang ulit mo ng sinabi na maganda si mama"natatawa kong sagot sa kanya. Sumampa pa ito sa vanity mirror sa harapan ko at pinakatitigan ako tapos hinalikan niya ako sa lips at magkabilang pisngi. "Paglaki ko mama hahanap po ako ng kagaya niyo po. Maganda na mabait pa para maging asawa ko po"sabi pa nito habang nakangiting nakatitig sakin. "Naku ang bata mo pa apo iyan na iniisip mo"saway naman ng nanay ko. Nasa dressing room pa kami or should I say sa hotel suite kung saan kam

