"THIMOTHY"tawag sakin ni Vina. Nasa bahay na kami ngayon, after lang kasi ng masaya sanang binyag kaso nasira lang ng mga magulang ko kaya umuwi nalang kaming mag-anak. Hindi na nga kami nagpaalam ng maayos sa mga bisita at mga kaibigan ko. Si Mariel alam ko naman na isasama na iyon ng mga magulang ko pauwi ng Manila. "Thimothy"tawag muli ni Vina sakin. Alam ko kung ano ang gustong sabihin ng asawa ko. Vina had a soft spot in her heart in terms of family. "Hindi mo dapat sinagot ng ganon ang parents mo"anito. Tama ako ng hinala, pagsasabihan na naman ako ni Vina tungkol sa mga magulang ko. "Love please wag ngayon"awat ko naman sa kanya. Sinundan ko nalang ang anak namin na sa loob ng bahay na excited ng buksan ang mga natanggap na regalo. But Vina will never be Vina kung hindi n

