Twenty-four

1733 Words

"KANINONG bahay ito?"tanong ni Vina. Kanina pa siya paikot-ikot sa sala na para bang may kung anong hinahanap. "Kay Yaya Meding. Yaya ni Alex"sagot ko naman. Sinunod ko ang payo ng mga kaibigan ko. Nagpunta kami sa probinsya ng yaya ni Alex. Matagal ng patay si yaya Meding. Tumandang dalaga na aa kakaalaga kay Alex kaya walang nagmana ng bahay ng matanda. Ibinigay nalang kay Alex ang bahay ng mahina na si Yaya Meding. "Dito na tayo titira?"parang batang tanong ni Vina. Pinakatitigan ko naman siya. Alam ko sanay na siya sa buhay sa Manila gaya ko. Pero hindi mababakas sa mukha ni Vina na may pagtutol siya sa pagpunta namin dito. "Yeah"alanganin kong tugon. Nagulat nalang ako ng bigla siyang tumili at dinamba niya ako ng yakap. "Sure ka? Dito na talaga tayo?"excited pa niyang tanong.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD