"GOOD MORNING ma'am Vina"bati sakin ni manong guard. Ako lang mag-isa ang pumasok ngayon sa trabaho. May pupuntahan daw na out of town site si Thimothy. Sabi ko nga sasama ako kaso lang sabi din niya wag na mapapagod lang daw ako dahil balikan lang naman daw siya. Kaya heto ako mag-isang pumasok sa opisina. "Good morning din po"masayang bati ko pabalik. Halos isang linggo na akong masaya simula ng magkaaminan na kami ng nararamdaman ni Thimothy. Mas naging sweet siya sakin at ganon din naman ako sa kanya. "Good morning ma'am"bati ng mga empleyado ni Thimothy sa akin. Nginitian at gumanti naman ako ng bati sa kanila. Hanggang sa makarating ako sa floor namin ni Thimothy panay ang bati ng mga tao sakin. Hay naku di ko naman kasama ang boss namin makasipsio naman sila sakin wagas! Mul

