SWITZERLAND, EUROPE NAPAPABUNTONG HININGA na lang si Mai nang sunod-sunod na naman ang dating ng mga hugasin sa lababo na pinag huhugasan niya nang pinggan. Pagkapasok na pagkapasok niya pa lang kasi sa resto bar na 'yun ay sa may dishwashing area na siya na-toka dahil nga punuan na ang mga staff na nag se-serve sa labas kaya makikidagdag pa ba siya? Habang ang kaibigan naman niyang si Fhe ay nakatoka sa paglalampaso ng sahig kaya simula nang matanaw niya ito sa labas ay hindi niya pa ito ulit nakikita pa nang pumasok na siya sa may kusina para nga mag hugas. Tanging pag punas lang ng kaniyang pawis ang tangi niyang pahinga at pagkatapos noon ay diretso na ulit siya sa pag huhugas. Kung hindi nga siya nagkakamali ay mga isang oras at kalahati na siyang nag huhugas doon ng walang tigil

