62

1825 Words

SUNOD-SUNOD na pag ubo ang pinakawalan ni Stephanie sa loob ng kaniyang kwarto habang nanatili pa rin siyang nakahiga sa kaniyang kama. Tumatama na sa nakapikit na talukap ng kaniyang mga mata ang sinag nang araw mula sa labas pero mas pinili pa rin niya na mahiga na lang muna at magpahinga sapagkat nararamdaman niya ang masamang pakiramdam sa buong sistema ng kaniyang katawan. Kahit na hindi naman nakabukas ang aircon sa loob ng kaniyang silid ay tila ba nilalamig pa rin siya kaya balot na balot ang katawan niya hanggang kaniyang leeg ng puti at makapal na kumot. Muli na naman na umalingawngaw ang sunod-sunod na pag ubo niya na tila ba ay wala 'yung katapusan. Para nga siyang nanghihina sa patuloy na pag ubo niya pero talagang makati ang kaniyang lalamunan kaya naman walang tigil 'yun.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD