SAKTONG 5 PM na ng hapon nang makarating na si Stephanie at Scot sa bahay nila sa Quezon City. Katulad nang inaasahan ay buong biyahe na walang naging imikan sa pagitan nilang dalawa dahil sa nangyari. Nakatulog pa nga ang dalaga sa biyahe dahil sa pagod nang pag iintindi niya sa Hill Creek Gardens na pinuntahan nila pero siya lang 'yung bumaba ng sasakyan. Naiintindihan naman ni Steph 'yun dahil alam niyang wala rin namang ganap si Scot kundi ang ihatid lang siya at samahan sa Tagaytay-- hindi niya na talaga inexpect simula una pa lang na tutulungan din siya ng binata. Habang tinatanggal niya na ang kaniyang seatbelt ay doon niya napansin na hindi pa kumikilos ang binata para bumaba rin ng sasakyan. Nanatili pa rin lang na nakaupo si Scot sa may driver seat habang hawak-hawak ng dalawang

