KLEIN'S POV
Mas ibinaba ko pa ang sumbrero ko habang pilit na tinatakpan ang mukha ko.Andito ako sa likod ng isang malaking puno habang tinatanaw ang apartment ni Greg.
Tss.Hindi ko pa nakikita ang babae na yun na tinanung namin kanina na kasama ni Greg.Siguro nga ay nagsasabi sya ng totoo. Pero nakakapagtaka lang. Pareho silang andun ni Greg sa lugar kung san nakita ang Assasin .
Greg Alester.Isa ka talagang napakagulong Gago.
Mas mabuti narin sigurong hindi ko sabihin kay Chairman Ax ang tungkol sa Assasin .
“Klein!”napatingin ako sa kabilang puno na di kalayuan lang sa akin.Nakita ko dun si Johan. Nakasumbrero din sya at nakatingin sa akin. “ Mukhang wala namang balak si Greg na gumawa ng gulo ngayong gabi.”dagdag nya.
Napatingin ulit ako sa Veranda ng kanyang Apartment.Nakabukas ang ilaw ng kwarto nya.
“Magbantay muna tayo.”sabi ko . Naguguluhan talaga ako sa Greg na to.Alam ko may binabalak sya ngayon lalo na't lumabas na naman ang isa sa mga Assasin nya at sya Mismo.
Hindi ugali ng isang yun ang magpakita sa mga tao kapag walang malaking okasyon.Isa malaking okasyon kung san pinapalabas nya ang kademonyohan nya .He wants to kill lots of people. At kung may plano syang ganyan ngayon.We need to stop him .
Napahawak ako sa earpice ko.
“Chairman Ax!”sabi ko sa nasa kabilang linya.
“What’s going on down there?”malumanay nyang tanong sa akin.
“Nothing. Tahimik dito.Wala pa syang ginagawa!”ulat ko .Natahimik sya sa kabila at nagsalita ulit.
“It’s already 30 minutes . Just abort the Plan.”
“Okey Chairman.”
Sabi ko at tinignan na si Johan.Sinenyasan ko sya na umalis na kami at tumango naman sya. 8:44pm na. Tahimik na sa buong lugar and im sure everyone are in their deep sleep already kaya magandang ideya ang pag-abort sa plano.
Pumunta na kami sa kung saan nakapwesto ang iilan sa mga Gang Member namin. Sa likod ng mga Bushes. Nagsitayuan sila ng makita kami.
“Boss!”
“Plan Aborted. ”sabi ko at nagpatuloy na kami ni Johan papunta sa Apartment namin. Habang naglalakad sa tahimik na Hallway biglang binasag ni Johan ang katahimikan.
“Iniisip kong baka bukas na gagawa ng katarantaduhan si Greg.”sabi nya sa akin.Nanatili ako sa dati kong expresyon.
“Hindi natin alam. ”
Pero napapaisip ako. Huwebes ngayon at bukas ay Byernes.At para sa kaalaman nyo, Sa araw ng Byernes from 3:00pm to 1:59am magiging legal ang paggamit ng Baril sa loob ng Academy. At gagamitin yun ni Greg para sa plano nya.
“Klein dito na ako!”paalam ni Johan at lumiko na nga sya. Magkaiba kasi kami ng Kwarto. Nagpatuloy na ako sa paglalakad papunta sa kwarto ko ng makaramdam ako ng may nagsisitakbuhan sa may mga damuhan.
Agad akong tumakbo at sinundan ang mga yabag na yun at dinala ako dun sa kabilang bahagi ng Academy.
Ano nanaman kaya ang ginagawa ng mga ito?
Hinahabul ko lang ang mga yabag na yun.Huminto ako at pilit tinatanaw ang daanan at nagulat ako ng makakita ako ng dalawang lalaking balot na balot sa itim at may dalang mga kutsilyo.Sa talim ng kutsilyo nila parang umiilaw kapag natatamaan ng buwan.
Agad akong tumakbo papunta sa kanila ng makitang papasok sila sa isang Building Apartment. Kung sino man ang nais nilang patayin.
All i am thinking right now, is to save him or her.
Umakyat ako sa hagdan at sinundan pa sila. Nakita ko sila sa na parang may sinisilip.Tahimik akong lumapit sa kanila at sinunggaban ng suntok ang isang lalaki .Sinipa ko naman ang isa kaya tumilapon sya. Hinila ko ang kamay ng sinuntok ko at akmang babaliin ito kaya nabitawan nya ang kutsilyong hawak-hawak nya at sinipa iyon palayo sa kanya. Mas itnwist ko pa ang braso nya para masaktan sya and he even screamed in pain but he keep on holding it.
Napatingin ako sa isa pang lalaki na susugurin din sana ako pero agad kong pinaikot ang hawaa kong lalaki at iniharap sa kanya kaya itong hawak ko ang nasaksak nung lalaki.
Nagulat sya sa nagawa nya. Napatingin sya sa akin at nang makilala ako mas nagulat sya .
“M-mister P-president?”he sttutered. Napapatras na din sya sa kaba habang napapatingin sa kasama nyang natumba na sa sahig at namatay.
I smirk at him..“Lumapit ka sa akin,Idiot.”
Mas lalo syang natakot at mabilis na kumaripas ng takbo.Hahabulin ko pa sana sya pero naisip kong baka may makakitang iba sa bangkay nitong lalaki. Kinuha ko ang cellphone ko and i called Johan.
“Dude!”
“Magpadala ka ng mga Bata mo dito sa Building 4 para linisin ang kalat dito. Hurry.May hahabulin pa ako.”
Agad ko nang ibinaba ang tawag at agad na tumakbo sa gawin ng lalaki na iyon pero nakalayo na sya.Psh.
Inilibot ko ang paningin ko sa buong hallway .Tahimik at walang katao-tao.
Ugh.Sino naman kayang nagpdala ng mga yun?Or the best question is Sino ang target nila?
“ Where will we found him?”
Napahinto ako sa boses babae na yun.Lumapit ako sa isang pader at sumilip don.Sa gilid ng building katabi ng isang old Orchidarium nakakita ako ng lalaki at babaeng nag-uusap.
“Just wait.Andito lang sya sa loob ng Academy”sabi ng lalaki.
“I badly want to see him. I want to see him right now.I want to know if his okay.After 6 years makikita ko ulit sya.”said the girl with a low and sad tone.
“Don’t worry. We’ll surely find him and rescue him as what we have promised to him before he had left us, Ve.”
Agad na akong naglakad palayo pagkatapos nun.Tss.Nagiging chismoso na ako. Bumalik na ako sa Building namin at nakasalubong ko na si Johan .
“Klein,what happened?”he ask curiously. I walk continually and pass him pero agad din syang sumunod.
“Nakakita ako ng dalawang lalaki sa Building 4 Johan. And i guess, they are planning to kill someone whos inside that building. Hindi ko na habul ang isa. How about the dead guy?Nakuha nyo na?”
“Hm, malinis na. Pero ang tanong, sino naman kaya pakay nila?”
Hindi na ako sumagot.Hanggang ngayon napapaisip parin ako. Sino naman kaya ang pakay ng mga yun at parang inuutusan talaga sila.The Chairman needs to know about this.
NHEAN’S POV
“May kakaiba ngayon.”naibulalas ko habang naglalakad kaming tatlo ni Red at Ve sa Hallway papunta sa Fifth floor. Sabay naman silang napatingin sa akin.
“Araw-araw namang kakaiba dito Nhe!”sabi naman ni Ve na may punto rin naman sya. Pinindot na ni Red and elevator at sabay kaming pumasok don.
“What i mean is, tahimik sila masyado.Di tulad nung mga nagdaang araw na kung makabulong o tingin e grabe.Ngayon,tahimik sila at ilag.”paliwanag ko .
Napatingin naman ako sa reflection naming tatlo.Tented Glass kasi ang elevator kaya kita mo ang reflection mo don.
Di sinasadyang napatingin ako sa reflection ni Red.Nakapamulsa sya at parang malalim ang iniisip.
“Oo nga no. Siguro ,nagsawa na sila Nhean.O baka natakot na sila kasi kasama na natin si Red.Hehe!”sabi ni Ve at nagpeace sign kay Red na hindi naman pinansin ng lalaki.
“Hmm,may tama ka Ve. ”
“O baka naman dahil yun sa Akala nila ikaw ang pumatay sa Assasin na yun kahapon.”
Agad akong napatingin sa kanya.Tumawa sya at kumapit sa balikat.“Na napaka imposible.”bulong nya.at tumawa.
Natawa na rin ako.
“Ikaw talaga Ve.Haist.Alam mo ang kupad mo Late ka na sa klase mo. Naiwan ka na nila Deyland at Taylor ”sabi ko.Niyakap naman ako ni Ve galing sa gilid ko .Napatingin ako sa aming dalawa na nasa reflection.
Sana palaging ganito .Walang gulo kumbaga. Nakangiti kaming pareho hanggang sa makalabas kami dito.
“Bahala na malate. Gusto ko kasi sumabay sa inyo ni Red.Palagi nalang kayong dalawa ang magkasama. Baka magkadevelopan kayo ah!”pang-aasar nya.
Napatingin ako kay Red at naka poker face lang sya.
Kinurot ko naman sa tagiliran si Ve .
“Tumahimik ka nga!”
”Aray!He he. ^____^v”
Sabay naman ang pagbukas ng elevator. Akmang lalabas na sana kami ng makita ko naman sya. Yung babaeng nakausap ko noon. Makinis ang maputi nya buhok.
Maganda.
Yung nakagalitan ko kasi akala ko tinatakot ako.
Bigla akong kinabahan ng mahuling nakatingin sya sa akin. Hindi ko maiwas ang tingin ko sakanya hanggang sa madaanan na naman ang isa't-isa ay nakita ko pa ang pagngisi nya sa akin bago sya pumasok sa elevator.
Nakatulala ako habang nagpatuloy sa paglalakad.
Sino ba sya?Bakit parang may kakaiba?
Siguro hindi ko na yun dapat pang pansinin. Whoever that girl is,i don't care.Gusto nya lang akong takutin.And i wont let her scare me. Im not afraid . Wait---=_=Hindi nga ba?
Nakapasok na kami ni Red sa classroom at si Ve naman ay pumunta narin sa classroom nya. Umupo na ako sa Klase at nakinig sa guro namin.
Nagsusulat sya sa white board ng all about Mathematics.Mahahabang solution na umabot na sa pader ang dami ng formulas.
Napanganga ako habang nakatingin sa kanya. At nailibot ko ang paningin sa mga kaklase ko.Almost all of us were sleepy.
Napakahaba naman kasi.
“Do you understand class?”
Tanong ng guro namin pagkuway ay humarap sa amin. Hindi kami agad na nakapagsalita.
Inihampas nya ang stick nya sa lamesa nya .
“You are not listening?”
“we understand sir!”biglang salita naman ng isang lalaking may makapal na eye glasses. Light brown hair . Ngayon ko lang sya napansin ah. Ngumiti naman si Sir .
“Very good. Prepare youre self for our Long Quiz on monday. Kung sino man hindi makakapasa, alam niyo na ang kahahantungan niyo.So study all of this formulas.That's all.CLASS DIMISS!”he said and slam door as he get out.
“Fvck”
“Dmn”
“sh*t.Long quiz”
“Naghihintay na si Kamatayan satin sa Lunes.”
Mixed reactions and emotions ang nakita ko sa mga kaklase ko.
Napapatingin ako sa kanila.
Seryoso ba talaga si Sir? Mukha kasing takot na takot na talaga silang lahat.
Pumasok naman ang isa pang guro namin at nagdiscuss lang. Pero may kakaiba. Napansin kong naging gloomy sya and pale.
Nakatalikod sya sa amin.
“What are the six branches of so—*Bogsh*”
Agad akong napatayo nang bigla nalang syang bumagsak .
“O M G!What happened?”
“is she dead?”
Agad akong napaalapit sa harap ng mapansing wala man lang lumalapit pero bigla namang may humila sa braso ko.
“Let go of me Red.”i said while giving him a glare.Tumayo narin sya at hinila ako pabalik.
“Wag kang lalapit.Kung mahal mo pa buhay mo!”he said.Nagkasalubong ang kilay ko habang nakatingin ng masama sa kanya.
“Ano bang sinasabi mo?Can you please let me go?Tutulungan ko lang si Mam.”i said but he tigten his grip on me.
“Stop being so stubborn ,Nhean. ”
Malakas kong hinila at tinabing ang kamay niya.Nagulat sya sa ginawa ko.
“Ikaw ang huwag matigas ang ulo Red!Look,im just going to see if shes okay!”sabi ko at tumalikod na.Nang makalapit na ako , lahat sila nakatingin lang sa akin.
Nakadapa si Mam kaya , hinila ko pa sya para maiharap ko sya sa akin and i almost heard the loud gasp of everyone as we saw our teachers face.
Her lips were broken and dryness can be seen in it.Mas nakikita na rin yung ugat nya sa buong katawan like it was going to explode.
Her eyes were all white and shes so cold.
“S-she’s dead!”naibulalas ko.
Pero agad kong hinawi ang buhok nya para mas makita pa sya ng buo. Bumubula rin ang bibig nya . Pero may nagpa-agaw ng pansin ko. Napatitig ako dito at tinitigan ng mabuti.I can't be wrong.
“a snake?Wait—Kinagat sya ng ahas.”sabi ko giving information to my classmates. Narinig kong nagbubulungan sila.Pero bakit mas lalo silang natakot?Instead of lumapit sila sa akin?
Napalingon ako kay Red at naglakad na sya palapit sa akin.Tinignan din nya ang guro namin at nakita kong nagulat sya.
“Let’s go girlie. ”
“Tara na.Umalis na tayo dito.”
Napatingin ako sa kaklase namin ng sabay-sabay silang nagsilabasan sa classroom. Like ,hindi ba nila nakikita?
Namatay na yung teacher namin .
“R-red,dalhin na tin sya sa clinic.” sambit ko.Napatingin si Red sa akin at hinila ako patayo.
“Shes dead Nhean.Wala nang pag-asa.Hayaan na natin sya!”sabi nya at hihilain na sana ako palabas ng classroom pero natigilan kami ng limang lalaki ang biglang pumasok sa classroom namin.
Napatingin sila sa amin at pati narin sa bangkay ni Mam.Nilapitan nila ito at walang-anu mang binuhat.
“Teka lang kuya!San nyo sya dadalhin?”tanong ko. Tinignan ako ng isa sa kanila na mukhang syang leader sa kanila.
“San ba dinadala ang mga bangkay?Obviously sa libingan nya.”sagot nya sarcastically.Nakaalis na sila pero pinigilan ko parin sya.
“Wala na bang pag-asa? Why dont you bring her in the clinic first, b-before you burry her up.”sabi ko habang nakatingin sa kanya. Inayos nya ang eyeglass nya na bumagay naman sa kanya.
“Naaawa ka?”he smirk. “Psh. Yan ang magdadala sayo sa hukay mo.”sabi nya at lumabas na ng classroom.
Sumunod din ako sakanya and i grab his wrist.I look at him fiercely.Tela nagulat sya sa ginawa ko pero agad din naman syang nakabawi.He look at me with a smirk on his face sabay tabing sa braso nya.
“Sino ka para ilibing ng basta-basta ang taong yan?”tanong ko sakanya.Naramdamn kong hinila ni Red ang braso ko pero tinabing ko din yun.Nakita kong ngumisi ulit ang lalaki.
“Kung ako sayo Miss,tumigil ka na sa kakadada mo. And oh, Newbie ka pala? Don't you know that im a member of the student council ?Im the Secretary so please shut your fvckin mouth up...”sabi nya at agad na iniwan ako .
So his the Secretary?
Bigla naman akong hinila ni Red at iniharap sakanya.
“Red?”kinakabahan kong sambit.
“I said stop being stubborn Nhean. Dahil dyan sa tigas ng ulo mo,Mapapahamak ka. Is it hard to understand what i am warning you? Just stay away from trouble. ”sabi nya at tumalikod na sa akin.
Hindi ako nakaimik.Biglang nagreplay sa utak ko ang hitsura ni Red.Nakikita ko ang inis na may halong pag-aalala sa kanya. At hindi ko maiwasang makonsensya. Nag-aalala lang sya sa akin kaya sya nagagalit and i felt guilty for not giving importance of it.
Napatingin ako sa wristwatch ko.
“2:56”
Nasambit ko habang nakatayo dito sa gilid ng isang flower pot na walang flower.Meron naman syang flower kaso lanta kaya parang wala.Diba?
E kasi din, kanina ko pa hinihintay sina Willa,Terrence at Shaena. 3:00pm kasi dismissal na nila at babalik na sila sa Apartment nyan.Si Red kasi hindi pa ako pinapansin.
Hindi rin siguro ako papasok hanggang sa disimissal ko.Sasabay na ako kina Willa.Sumasa din kasi ang pakiramdam ko.
Pero ang tagal ah.Sigurado akong makakadaan sila dito kapag lalabas sila ng Building.
Napatingin ulit ako sa relo ko.
“2:59”
Almost half an hour na akong naghihintay sa kanila. Nasan na ba sila?
“Today is Friday!”
Halos tumalon na ako sa gulat ng biglang may magsalita sa Tabi ko. At mas nagulat ako ng Makita kung sino sya. Ang babae nung nakaraan araw at yung nakasalubong ko sa elevator kanina.
Ang kaninang seryoso nyang mukha ay biglang napalitan ng ngisi.
“It’s a Die Day!”
*BANG*
Isang malakas na putok ng baril ang umalingawngaw sa buong academy.Agad akong napatingin sa direksyon kung san nanggagaling ang putok pero wala akong nakikita. Basta ang naririnig ko e nagsisitakbuhan na ang mga estudyante.
Agad naman akong napatingin sa babaeng kaharap ko ng makarinig ako ng kasa ng baril at halos lumabas na ang mata ko ng makitang nakatotok na ang baril nya sa noo ko.
She smirk . “Die!”
“Anong kailangan mo?”
“I don‘t need anything from you for your information. I just want you dead.”she stated .Biglang bumilis ang t***k ng puso ko.
“B-bakit?Wala naman akong ginagawa sayo ha! ”
“Heh! Wala pa sa ngayon .But i know, you'll be a hinder for me to get him. Kababago mo lang dito nakausap mo na sya agad? ”
“Ano bang ibig mong sabihin ?At s-sino ka ba?”tanong ko habang napapatingin sa kamay nyang may tattoo ng ahas. Biglang nagflashback sa isip ko ang Teacher namin .Napatingin sin ako sa kwentas nya at ahas din yun.
She smiled at me evily .
“I’m the one who’ll end up your useless life here!”ipuputok na sana nya ang baril ng may makita akong lalaking lumabas sa isang Wall . Half of his face was covered with handkerchief at tanging mata lang nya ang nakikita.Pero ang mas nakakgulat , nang mapatingin ako sa cap nya.I didn't expect na makikita ko sya dito sa pagkakataong ganito.
Sya to. Sya ang nagligtas sa akin sa Mall nong nasali ako aa gulo. Ang lalaking may ‘Alexon’ na nakasulat sa harap ng cap.
Mukhang napansin ng babaeng to ang tinitignan ko agad syang tumingin don at nakita ko ring nagulat sya.
“Y-you?”
Hindi ko alam kong anong naging reaksyon niya basta ang nakikkta ko lang ang walang emosyong niyang mga mata.
Tumingin ang babae sa akin at ipuputok na sana nya talaga ang baril sa akin ng may isang maliit na metal ang tumama sa kamay nya at nabitawan nya ang baril.
“Aww”
Napatingin kami sa kabilang side to see the SC President giving her a smirk.
“Still Ruthless Princess!”
Nakita ko ang pagkainis ng mukha nitong babae at pupulutin sana ang baril nya pero tinutukan nanaman sya ng baril nung SC V-President.
“Pulutin mo.And your dead.”
Napaptingin nalang ako sa paligid ko.Sa harap ko ang babae na masama ang tingin, sa likod nya si 'Alexon' i dont know whats his real name. Sa gilid ko si Klein at sa likod ko si Johan.
Boses palang nila alam kung sila to.
“What are you doing here? Lumabas lang ba talaga kayo rito para guluhin ako sa ginagawa ko?”naiinis nyang sambit.Narinig kong tumawa si Klein.“At kasama pa talaga ang leader nyo,Klein. Nakakapanibago. He just show off for this stupid girl?”sabi nya at tinignan ako.
What?Stupid girl?
“Were not here to play with you,Princess. But it seems like you need us to play with, makikipaglaro muna kami sayo sandali.Sandali lang coz we have something more important to do!”pang-aasar ni Klein.
Nakita kong sobrang galit ng Babae .
“GIRLS!”she shouted and a numerous of girls came out from anywhere and attack us. Nakita ko ang ngisi ng babae at pinulot ang baril habang kinakalaban nilang tatlo ang mga babae .
Itinutok niya iyon sa akin , at ipuputok na ang baril ng may tumulak sa kanya.
*BANG*
But sa kamalas-malasn nga lang naman. Agad akong natumba sa sa sakit na naramdaman ng tumama ang bala ng baril sa braso ko.
Napatingin sila sa akin.
“Sh*t!Stay away from her, you b***h!”rinig kong sabi ng boses na narinig ko na noon pa. Ramdam ko ang panghihina ko at ang panlalabo ng mga mata ko. And all i remember is he who carry me.