Antonette “When i was once saving my friend.” Napatango nalang ako at hindi ko maiwasang hindi mapatingin kay Nhean na nakatulala habang nakatingin sa apoy sa harapin namin. Magtatanong pa sana ako pero biglang pumalakpak si Joshua at sumesenyas na nagugutom na sya at ituloy nalang daw after nang dinner ang Q&A portion. Matagal na kong may napapansin kay Nhean and Ghavinn. These past few weeks, napapansin ko ang kakaibang tinginan nang dalawa like they already knew each other. Totoo kaya ang sinasabi ni Nhean? That they met before? So that means, Ghav is pretending. Mabilis naman natapos ang dinner at naiwan ako sa kitchen kasama si Crystal na naghugas nang mga kinainan namin. Siya ang nagsasabon nang mga plato habang ako ang nag huhugas at nag-aayos sa lagayan. Napatingin ako k

