NHEAN’s POV Malakas ang kabog nang dibdib ko habang inaabangan namin ang papalapit na mga savage. Habang palapit nang palapit sila sa amin di ko sila makita nang maayos. Maliban sa madilim e umuulan pa. “Bakit parang hindi naman nila tayo nakikita?” ani Ve na kinakabahan narin. Walang sumagot sa amin. Hindi rin kasi namin alam. Naglalakad lamang ang mga savage na para bang wala naman silang nakikitang bibiktimahin. Hindi kaya hindi sila nakakapansin kapag madilim ? Nang makalapit na sila , bigla nalang gumalaw sila Greg at Ax dahilan upang maalarma ang mga Savage at nahalata na kami. Nanigas ako sa pwesto ko habang nakatingin ako sa kanila na nakikipagpatayan sa mga taong ginawang balkw at halimaw nang demonyong troy na iyon. “ Nhean gumalaw ka !”rinig kong tugon ni Deyland. Para

