THIRD PERSON'S POV Hinila ni Clark si Helliana papasok sa kwarto nila. Nakayuko lang naman na sumusunod si Helliana sa kanya, alam niyang seryosong seryoso ngayon si Clark at natatakot siya sa pwedeng gawin ni Clark sa kanya. Agad naupo si Clark sa kama at tinignan si Helliana. Nakipag titigan naman si Helliana sa kanya. "Do you still remember your mission?" Nakapagat si Helliana ng labi at tumango. "You think you can kill him?" Hindi nakasagot si Helliana sa tanong ni Clark. Natatakot siya na baka bigla itong mag wala. Baka biglang mawala na naman siya sa sarili niya. Napabuntong hininga si Clark ng makitang hindi masagot ni Helliana ang tanong niya, tulad ng inaasahan niya. Alam na naman niya na ganito ang mangyayari. Sisiguraduhin ni Clark na siya ang magwawagi, sa kanya pa rin

