HELLIANA'S POV "Baby," napatingin ako kay Caliber ng kalabitin ako nito. "Hmm?" "Restroom lang ako." Kumunot naman ang noo ko at tinanguhan na lang siya. Bakit pa ba siya mag papaalam sa akin? Ngumuso naman siya at tumayo na. Umiling na lang ako at pinanood ang mga taong dumadaan. Kanina nakita ko ang cellphone ko sa bag ko at hindi ko alam kung paano iyon napunta doon. Hula ko na, na si Caliber ang kumuha noon pero bakit siya nag sinungaling sa akin nung tinanong ko siya? Binalewala ko na lang iyon dahil ayokong mag isip pa ng kung ano kay Caliber. Napatingin ako sa cellphone ko ng tumigil ang music ko at napalitan ito ng tawag. Tawag mula sa unregister number, agad kumunot ang noo ko at tumayo para sagutin ang tawag na ito kung sino man ang tumatawag sa akin. "Who's this?" Bung

