CALIBER'S POV Bahagya akong dumilat ng maramdaman kong mahimbing na siyang natutulog dahil siguro sa pagod. Nang pumasok siya sa kwarto ko ay naka tatlong round kami bago siya napagod. Hinalikan ko muna ang noo ni Helliana bago dahan dahan na tumayo. Tinignan ko kung nagising siya pero mahimbing parin siyang natutulog. Dumiretso ako sa damitan ko at agad na nag suot ng damit bago binuksan ang drawer ko at kinuha ang singsing na inalis ko kay Helliana. Tinignan ko muna si Helliana bago lumabas ng kwarto at pumunta sa labas ng bahay. Sumakay ako sa kotse ko at pinaharurot ang sasakyan ko kung saan namin pinag usapan na magkikita. Kapag park ko palang ay natanaw ko na siyang naninigarilyo habang nakatingin sa kawalan. Nang mapansin niya ang presensiya ko ay agad niya akong nilingon. Nag

