THIRD PERSON'S POV Parang sinasaksak ang puso ni Caliber ng makitang lumapit si Helliana kay Clark. Ngumisi si Clark ng tuluyan ng makalapit si Helliana, agad nitong hinapit papalapit sa kanya si Helliana at inilagay ang jacket niya sa balikat ni Helliana. Umiwas lang ng tingin si Helliana dahil hindi niya kayang makita si Caliber. "I told you." bulong ni Clark sa kanya. Hindi na siya nag salita dahil kahit naman siya ay alam niya sa sarili niya pero sinubukan niya. "Baby," nag susumamong sabi ni Caliber. Hindi niya ito nilingon at nanatiling nakasubsub ang mukha sa dibdib ni Clark. "Choose me, please." Gusto niyang piliin si Caliber pero alam niyang wala siyang mapapala, wala itong maitutulong sa kanya. Alam niyang si Clark lamang ang makakatulong sa kanya, si Clark lang ang may kaya

