Chapter 03

1142 Words
Mula sa Poblacion, hindi na ako nagsayang ng panahon para ipaliwanag kay Helen kung bakit umalis ako. I needed to go. Kailangan kong malaman kung ano na ang kondisyon ng boyfriend ko!   “Mom! Kanino niyo po nalaman? Sigurado po bang dito lang din siya sa San Miguel isinugod?” sunod-sunod kong tanong sa phone call gamit ang napapaos na boses. Hindi kasi ako makapaniwala nang sabihin niyang sa isang private hospital daw ito dinala. Ang nakakagulat, dito rin mismo sa San Miguel kung saan ilang munisipalidad ang layo mula sa pinagtatrabauhan ni Miguel.   He’s been working at Baliwag. Bukod pa roon, kung may uuwian man ay diretso siya sa hometown niya sa Pampanga. Kung dito siya isinugod, ibig sabihi’y kanina pa pala siya rito sa San Miguel?   Bakit hindi niya sinabi?   Mabilis ang takbo ng tricycle dahil iyon ang inutos ko sa nagmamaneho. Sa bilis nito ay nagagawa nang mag-cross over masunod lang ang gusto ko.   Mom answered as I held my phone tighter. Nasa bahay pa siya at hindi makaalis-alis dahil may bisita.   “Sa kapatid niya. Tinawagan daw kani-kanina lang pero nasa Pampanga pa sila kaya kailangan pang bumiyahe papunta rito. Nandito raw pala sa San Miguel ang nobyo mo? Akala ko ba sa Baliwag at busy sa trabaho?”   Umiling ako nang halos pawisan na ang noo sa kaba. Wala na akong oras upang ipaliwanag kung bakit dahil hindi na masisira ang katotohanang na-aksidente ang boyfriend ko.   “Hindi ko rin po a-alam… pero may balita na po ba? Alam na ang kondisyon?”   “Hindi pa raw, anak. Kung may una mang makakaalam, siguradong ikaw na `yon.”   Nagtaas-baba ang balikat ko mula sa malalim na singhap. Nagpaalam na si Mommy at mayamaya na lang ako kakausapin pagkatapos i-entertain ang bisita. Pagkababa ko ng tawag, namataan ko naman sa screen ang sunod-sunod na text ni Helen. Tanong ito nang tanong kung saan daw ba ako ngunit hindi ko na lang pinansin.   Miguel is not her business. She doesn’t like him, either. Sa hindi mabilang-bilang na pagkakataong binigo ako ng lalaking mahal ko, siya mismo ang saksi sa lahat ng katangahang ginawa ko sa buhay ko.   Mas mainam na ito para makapag-focus siya sa ka-meet-up niya.   Mas mabuti nang ako ang mag-isang pupunta sa hospital.   Sa ilang metro pang usad ng tricycle, huminto na ito sa tapat mismo ng malaking gate ng address na sinabi ko. Nagmadali akong magbayad at tumakbo nang mahigpit ang kapit sa strap ng shoulder bag ko. Unang beses ko pa lang dito, sa totoo lang. Hindi naman kasi lahi ng pamilya namin ang sakitin. Wala ring aksidenteng naganap sa linya namin noong maipanganak ako. Everything was fine.   “Kuya,” wika ko sa guard nang mapansing siya lang ang maaari kong mapagtanungan. Every one around us is busy, kung hindi naglalakad-lakad ay nakaupo naman sa waiting area, pare-parehas may iniindang pag-aalala sa mukha.   “Miss, oh?” tugon niya saka ibinulsa ang kinukutitap na wallet. Saglit na dumapo ang paningin ko sa polo niya upang alamin ang kaniyang apelyido.   “Uh… m-may p-asyente po kasi akong bibisitahin sana.”   “Anong pangalan at kaano-ano mo?” aniya sabay pulot ng ballpen. Binuksan niya ang logbook at iniharap sa akin.   “Miguel Sandovar po, boyfriend ko.”   Kumunot ang noo niya, dahilan kung bakit nagtaka rin ako.   “Bagong pasok dito `yon ah? Siya yata `yong lasing na nakipagbanggaan sa ten wheeler.”   Para akong tinadtad sa maliliit na parte dahil ang brutal ng narinig ko. Ten wheeler truck… Kung ganoon kalaking sasakyan ang bumangga sa kaniya… s-hit, h-hindi ko alam kung may pag-asa pa.   At ano? Lasing siya?   What the hell!   “S-sigurado po ba kayo sa sinasabi niyo, kuya? Hindi po lasinggero si Miguel—”   “Kausap ko ang mga pulis kanina, miss. Kung Sandovar ang apelyido ng nobyo mo, siya `yon.”   Nanghina ang tuhod ko ngunit pinilit kong magpakatatag. Inilahad niya ang ballpen para ma-fill-out ko ang visitor’s log book, isang bagay na nanginginig kong sinulatan.   Sinabi niya ring maghintay daw muna ako sa waiting area dahil halos ka-a-admit pa lang daw ng pasyente. Mismong doktor na raw ang pupunta roon mayamaya, sakali mang maghatid ito ng balita. Nagmumukha akong tanga habang naglalakad papasok dito, partikular na sa itinurong waiting area kung saan makikita na iilan lamang ang mga nakaupo sa bench. Bilang lamang sa daliri. Walo.   Pumuwesto ako sa bench na bakante, kaharap mismo ng krus na nakadikit sa itaas na bahagi ng dingding. I am not religious but right now, there’s no one to call for but Him. Ang hirap-hirap kumapit sa posibilidad na baka kunin na ang taong mahal ko nang maaga gayong marami pa sa mga pangarap namin ang hindi natutupad.   Paano ko makakaya iyon? Paano ko matitiis `yon? I’ve been clinging to our relationship despite his shortcomings. I promised before that I will never leave him, for as long as I could say that I own him. And I have known him in worst, yet I still love him despite his flaws. Para saan pa ang lahat ng iyon kung kamatayan at paglimot ang magiging wakas?   Sa pagpikit ko’t pagyuko, dinig ko sa paligid ang boses ng isang propesyunal na doktor, ang pagtawag nito sa kakilala ng isang pasyente, at ang pagbalita nitong hindi na kaya ng anak niya ang lumaban. Magkahalong tuwa at sakit ang namutawi sa akin dahil sa dalawang bagay; tuwa dahil hindi iyon si Miguel, sakit dahil simpatya para sa isang magulang na ngayo’y umiiyak sa natanggap na balita.   Tama sila. Kung may isang lugar mang pinakamalungkot at pinakamasakit upang puntahan, maliban sa sementaryo ay walang iba kun’di hospital.   Miguel, please… lumaban ka…   Naramdaman kong may umupo sa gilid ko kaya mula sa mariin kong pagpikit, marahan kong idinilat ang mga matang nanggigilid sa luha. Inasahan kong si Mommy iyon o `di kaya’y isang kamag-anak sa Pampanga. Akala ko ay isang Sandovar na higit pa sa akin ang pag-aalala. Ngunit sa paglingon ko sa kaniya, bumungad ang naka-side view niyang pigura. Itim ang suot niyang bonnet, naka-mint green leather jacket, at kulay kapeng cargo pants.   Unang sinabi ng isipan ko na hindi ko siya kilala.   Not until he faced me with his jaw that seemed unyielding, face grizzled with masculine shadow, eyes dazzled with wonder over his stoic lips— I stared at him, stunned by his silence.   Hindi ko siya inasahang makita rito. After all these years, bakit muling nagtagpo ang landas namin sa isa sa pinakamasakit na yugto ng buhay ko?   It’s been four years since I saw him. Nililigawan pa lang ako noon ni Miguel, naglaho na siya na para bang bula.   Ang ex-crush ko…   “Raz?” bulong ko sa nangungusap niyang tingin. Isang tango mula sa kaniya ang muling bumuhay sa’kin, dahilan kung bakit sa lalong pagbigat ng nararamdaman ay napayakap ako nang walang sabi-sabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD