-ANGELICA- Nasa loob na ako ng kuwarto ko. Tapos na kaming gumawa ng mga props at mag-ensayo ng mga script namin. Dahil na rin sa nangyari kay Jared kanina ay napagdesisyunan namin na magpahinga na lang kami bukas pagkatapos ng klase. Mabuti na lang hindi ganoon kadami ang props namin kaya wala na kaming gagawin bukas. Mag-aayos na lang kami ng mga dadalhin namin papuntang Cebu. Medyo nag-aalala pa rin ako kay Jared. Nag-panic talaga kami kanina, wala pa naman kaming kasamang nakatatanda. Siguro nga masama lang ang pakiramdam niya. Okay na kaya siya ngayon? Tawagan ko kaya siya? Siguro naman gising pa siya? Napagpasyahan ko ng tawagan si Jared. Agad naman niyang sinagot. "He... Hello?" kinakabahang bati ko. "Angel?" paninigurado niya. "A... Ako nga. Kumusta? Okay na ba ang pakir

