-JARED COLTON- Magkatabi kami ngayon ni Dad at nakaharap kami sa laptop. Hinihintay namin na sagutin ni Tita Roxanne ang video chat. Mga ilang ring pa ay sinagot na rin nila. Kumpleto silang lahat at may mga ngiti sa mga labi. Nang mapansing seryoso kami ay nawala ang mga ngiti nila. "Ano'ng problema Kuya Calix?" seryosong tanong ni Tita Roxanne. "Alam ninyo bang naloko ang anak ko habang nandiyan sa Pilipinas?!" Nagsisimula na namang magalit si Dad. "What?! Ano'ng ibig mong sabihin? Maayos naman po namin siyang inalagaan dito, Kuya!" gulat na wika ni Tita Roxanne. "Mayroong nagpanggap na kababata niya at sinamantala ang kalagayan ng anak ko!" "Napanggap?! Kababata?! Ibig sabihin ay hindi si Mariza ang kababata mo at nagpanggap lang siya?! Bakit hindi mo sinabi s

