-ANGELICA- Noong December 24 ay umuwi sina Lola, Billy, Terrence, at Leo sa Cavite. Sumunod na lang kami kinabukasan dahil may mahalagang inasikaso pa sina Papa at Mama. Sa bahay ni Lola namin ipinagdiwang ang Araw ng Pasko kasama ang mga kamag-anak namin. Pagdating naman ng Bagong Taon ay nagdiwang kami sa kanya-kanya naming tahanan. Si Jah naman ay umuwi ng Hong Kong para doon magdiwang ng Pasko at Bagong Taon kasama ng pamilya niya. Umuwi lang siya noong January 2 dahil may pasok na kami ngayong January 4. Balik na naman kami sa pagiging Student Teacher. Tatlong buwan na lang ay ga-graduate na kami. Kasalukuyan na kaming kumakain ng agahan dahil papasok na ulit kami. Kasama naming kumakain si Jah. Sabay na ulit kaming magko-commute. Nang matapos ay agad kaming umalis. Katu

