-WILLIAM SKY- Pabalik na sa sala si Angel at nang makita ito ni tanda ay mabilis siyang umalis sa hagdan. Agad na bumalik ito sa loob ng kuwarto nila. Napangisi na lang ako sa nakita. "Jah, heto kumain ka muna. Mukhang pagod na pagod ka," sabi niya sabay lapag nang pagkain sa lamesa. "Salamat, okay na ako. Nakita na kasi kita!" nakangiting wika ko. "Nambola ka na naman. Gutom lang 'yan. Kumain ka na," sabi niya sabay balik sa pag-aaral. "Hindi ka pa tapos?" tanong ko sa kaniya. "Hindi pa pero isa na lang ito. Magaling kasing magturo si Jared kaya mabilis kong naintindihan!" masayang kuwento niya. Nainis ako sa narinig. Wala na nga siya dito pero siya pa rin ang bukang bibig. Buwisit talaga 'yang Jared na iyan! "Ganoon ba? Mas magaling ba siya?" nagpapaawang wika ko. "Ano ka b

