-ANGELICA- Hingal na hingal kami nang makarating sa canteen. Ikaw ba naman tumakbo habang tumatawa, hindi ka ba naman hihingalin. Pero na-realize ko, ngayon na lang namin ulit ito ginawa ni best friend. Ganoon na ba kami ka-busy para hindi na magawa ang mga simpleng bagay? Siguro nga, graduating kasi kami. "Best, kaya pa?" hinihingal pang tanong niya. "Oo naman! Tayo kaya ang best in p.e dati!" sagot ko. "Tama! Tama! Walang makakatalo sa atin!" "Tama! Tara na hanapin na natin sina Jah at Jared," aya ko sa kaniya. Hinanap namin sa paligid ang dalawa at nakita namin silang nakapila na. Hala! Hindi kami hinintay! Lumapit kami sa kanila. "Jah, bakit hindi ninyo kami hinintay? Nakapila na agad kayo," tanong ko sa kaniya. "Kami na lang ang bibili ng mga pagkain ninyo. Hintayin ninyo

