“W-what the hell are you saying?” Nauutal kong tanong. “Ititigil ko na ‘to pero sa isang kondisyon.” Kumunot ang noo ko pero bago pa siya magsalita ay bigla na lang ulit sumulpot si Zero. “I knew it.” Aniya at saka ako hinatak palayo kay Josh. “Sabi na at may mali. Fine! In love, huh? Ibibigay ko sa ‘yo si Erin.” Mabilis akong napalingon nang sabihin iyon ni Zero. Wha the hell? “But let’s make a deal. Grupo mo laban sa grupo ko. Kapag nanalo kayo, sa ‘yo na si Erin pero kapag nanalo kami. Ititigil mo na ‘yang ilusyon mo.” “Are you f*****g serious? Ano ‘to, gagawin niyo akong human trophy? Stop this nonsenㅡ” “Fine, you vs. me? Labanan ng intrepid. Jun vs. Jester, labanan ng insolent. Ming vs. Tyler, labanan ng amiable. Xian vs. Hoshi, labanan ng probity at Alex vs. Kevin, labanan ng

