Xian’s POV Simula no’ng gabing ‘yon ay hindi ko na nakita pang nag-usap si Erin at Zero. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung bakit ginawa at sinabi ko ang mga bagay na hindi naman dapat. /Flashback/ “Erin, ako nalang. Choose me.” Hinigpitan ko ang paghawak sa kamay niya at tila ayaw iyong pakawalan. Hinarap niya ako ng diretso at saka hinawakan ang pisngi ko. “Xi, mahal kita pero alam nating pareho kung hanggang saan lang ‘yong kaya kong ibigay. Ayaw kitang gawing rebound or what para lang makalimutan ko ‘tong mga nararamdaman ko ngayon. That’s cruel.” Ngumiti siya ng bahagya at saka hinawakan ang dalawa kong kamay habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. “You deserve someone better.” Dagdag niya at wala akong nagawa kung hindi ang yakapin siya. Gustong-gusto kong alisin ang

