Abby’s Point of View Am I that selfish? Ayano’s words sting like a bee. Hindi ako pinatulog nito. Para sa akin, wala na akong pamilya. Wala lang ang mamatay ako bigla sa laban. But when I think about a family, si Ace, Marcus at Kyle ang lumilitaw sa isip ko. Kinabukasan, mukhang panda ang mata ko dahil sa kakulangan ng tulog. Okay lang naman akong mapuyat e, pero kapag may dinadamdam akong personal, doon ako nagkaka-eyebags. Si Ayano, fresh na fresh. Akala mo model ng G2000. Hinahabol na nga ng hitman, naka-suit pa. Tangina, nakakabadtrip. Nakuha pang magpabango. “Ma’am, I already have your passport,” bungad ni Apprentice pagpasok ko sa kitchen. Ibinigay nito ang mga bagong passport namin ni Ayano. “Ana and Christian?” napataas yata ang tono ng boses ko at napatingin si Ayano. “Ano

