Ayano’s Point of View Palakad-lakad ako sa labas ng toilet. Baka isipin ni Abby bastos ako. s**t. Nakakawala sa katinuan ang nangyayari. Napahinto ako sa paglalakad nang bumukas ang pintuan ng toilet. Lumabas si Abby suot ang white shirt ko na puti. “Umaano ka sa pintuan? Namboboso ka, ano?” nakapamewang na tanong nito. “Kamusta sugat mo?” “Well, mabuti naman siya. Makaka-move on din siya sa sakit,” sarcastic na sagot nito. Ano kayang suot nito maliban sa t-shirt ko? “Suot ko ‘yong boxers mong may emoticon,” Bulalas ni Abby nang makita niya akong nakatitig sa hita niya. Tinabig ako para makadaan siya at naupo sa sala. Napahinga ako nang maluwag. “Buti hindi mo nakuha si Astro boy,” I told her. “Seryoso ka?” “Collection ko ‘yan. Ang hirap kayang hanapin ng iba lalo na ‘yong mga 80’s

