Chapter 21 "Brothers" I immediately left the next day. Tatlong araw akong nawala. The second day sumunod sa akin si Laz at Ruiz. Kaya ngayon sabay kaming umuwi. I am torn between staying and leaving pero kailangan. I have important matters to attend to lalo na at nalalapit na ang expansion. Nangako akong babalik sa susunod na weekend. Nasasanay na din ako sa pagpapabalik-balik. It would be convenient if the airport in Bukidnon will be finished as soon as possible. Nakakapagod din ang mahabang byahe mula CDO hanggang Bukidnon. Madaling araw nang lumapag ang eroplano sa NAIA. Naghihintay na sa labas ang driver ni Laz. Pinagbuksan ako ng pinto ni Ruiz. Sa likod kami, sa harap naman si Laz. We drop off Ruiz in his condo. Mabilis siyang umibis at kinuha ang dalang duffel bag.

