ANG BUONG akala ni Ehna ay tuloy tuloy na ang magandang pakikitungo ni Zion sa kaniya, ngunit nagkamali siya dahil dalawang linggo na ang nakakalipas noong magkasakit ang binata ay bumalik nanaman ito sa pagiging suplado. Pumasok na din sa isip niya kung sinaniban lang ito ng mabuting espiritu noong nagkalagnat ito dahilan kung bakit ganon ang pakikitungo nito sa kaniya. Ilang buwan pa ang itatagal niya sa Hacienda at sa isang buwan pa uuwi galing America si Don Antonio. Ayos naman ang pakikitungo ng iba pang katulong sa kaniya maliban na nga lang kay Gina, na hanggang ngayon ay iwas pa rin sa kaniya. Bukas ay linggo na kaya naman malaya na niyang mabibisita ang Inay at mga kapatid niya, Sabik na sabik na siya sa mga ito dahil hindi niya nagawang bisitahin sila nitong nakaraang linggo.

