MALALIM na ang gabi pero gising pa din si Ehna, iniisip niya nangyari sa Ospital kaninang tanghali, hanggang ngayon ay binabagabag pa din siya ng ginawang paghawak sa kamay niya ng binata. Bigla siyang napailing, hindi niya dapat iniisip ang mga bagay na iyo, gusto lang siyang damayan nito, wala siyang dapat bigyan ng kahulugan sa mga iyon. Kinabukasan ay pagkatapos niyang gawin ang mga trabaho niya ay agad siyang nagbihis, ngayon ang araw ng linggo at napagpasiyahan niyang bisitahin ang kaniyang pamilya. Aalis na sana siya ng maisip niyang magpaalam muna kay Zion, baka kasi may uutos ito mamaya at magulat na wala siya sa Hacienda. Kumatok muna siya bago pumasok dahil bukas naman ang pinto. "Senyorito—este Z—Zion?" nauutal pa din siya hanggang ngayon sa pagbanggit ng pangalan nito. Nasa

