PALUBOG na ang araw ngunit wala pa din ni anino ni Zion, pinipilit ni Ehna na wag magisip ng kung ano anong bagay dahil lalo lang siyang kinakabahan kahit na alam niyang wala naman siyang dapat ikabahala. Para maiwasan ang pag iisip ay napagdesisyunan ni Ehna na lumabas ng kwarto at maglibot libot sa hacienda. "Ehnaaa" rinig niyang tawag sa kaniyang pangalan. Agad naman niya itong nilingon at bumungad sa kaniya si Mika. " oh, ikaw pala yan Mika" nakangiting bati niya sa kaniyang kaibigan. Ngumiti naman ito ng matamis sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit, tila nga namiss siya nito dahil ilang buwan din silang hindi nagkita ng magkaibigan dahil na din sa dami ng nangyari. Napagpasiyahan nilang maglakas lakad sa garden at doon magkwentuhan. "So magkwento ka naman kung pano kayo n

