6 years later MABILIS na lumipas ang anim na taon, maayos naman at naging tahimik ang naging buhay ni Ehna sa america, tinulungan siya ni Dyner na magpatakbo ng isang kumpanya. Sa nakalipas na taon ay magisa niyang tinaguyod ang anak niya. Hindi kasi siya pumayag na tumira kasama si Dyner at panagutan ang kaniyang anak, dahil mas gugustuhin niyang siya nalamang ang tumayong ina at ama nito. Ginawa niya ang lahat ng makakaya niya upang magisang itaguyod ang anak, Malaki ang pasasalamat niya kay Dyner dahil sa ginawa nitong tulong noong pinagbubuntis hanggang sa pinanganak niya si Zian. "Mom, where are we going?" tanong ng kaniyang anak na si Zian at saka umupo sa tabi niya. Agad siyang ngumiti dito at pinisil ang mataba nitong pisnge. " We are going to Philippines, doon tayo mag cec

